Chapter 43
Insecurities
Pagod kong sinandal ang ulo ko sa upuan. Walang Raze na nagpakita buong araw. Lutang ako buong araw at hindi ko manlang naramdaman na tapos na pala ang shoot at uuwi na naman ako.
Bukas, maaga ako sa bagong client na pupuntahan ko tapos 4PM ang schedule ko sa Mozo. Nandoon kaya siya ng 4PM-6PM?
Kiro:
r u with yvonne???
Kumunot ang noo ko. Sa pagkakaalam ko sa dalawa na 'to, warla sila.
To: Yvonne
kiro texted me. kasama raw ba kita? should i lie or should i lie????
Agad naman siyang nagreply.
Yvonne:
Okay. You should lie
Magtitipa na sana ako ng mensahe para kay Kiro pero naunahan niya na ako.
Kiro:
Great. I know you're loyal to her. Lol
Humalakhak ako dahil doon. Hay nako, bahala na kayong dalawa. Hindi nalang ako nagreply. Agad akong nahiga nang makarating sa condo ko. Pinag-iisipan ko tuloy kung papasok pa ba ako bukas o hindi. Parang tinatamad na akong kumilos.
Papatulog na ako nang tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Mia. "Hello?"iritadong sagot ko at kinusot ang aking mata.
"Crystal!"
Nailayo ko ang phone sa aking tenga dahil sa malakas na pagsigaw niya. "Ano?!" Malakas na pagsigaw ko rin para makabawi.
"Papang saw some pictures online. Naku! Sa bar 'yon. Prosti ka doon sa mga pictures na 'yon. He's so mad! Hindi ko masabi ang totoo kasi nga 'yong sainyo ni Jael! Paano na?"
Nanlaki ang mata ko at napaupo dahil sa narinig. Natakot agad ako, iniisip palang ang galit na si Papang. At ang mga brochures! Naalala ko ang pictorial sa bar. Ang mukha ko doon at ang nakalagay na details sa akin doon. Lalo akong kinabahan sa naisip.
At online? Online! Oh my god. Paano kung kumalat 'yon?
"O-Online? Nag viral ba?"kinakabahang tanong ko.
"No! Nireport agad ni Papang. Hindi ko alam kung may nakakita bang iba pero galit na galit talaga siya. He want to talk to you pati kay Jael. By this week or next week, uuwi kami d'yan kasama sila Mama."
Nawala na ang antok ko dahil sa mga narinig. Malakas ang kalabog ko sa kaba dahil sa nangyayari. Kapag kinausap kami ni Papang, wala ng atrasan iyon. Sasabihin ko sa kanila ang totoong nangyari. Sasabihin ko ang tungkol sa pekeng engagement namin. Lahat!
Naiisip ko palang ang pagtataboy sa akin ni Papang ay naiiyak na ako. At si Yvonne! She will surely get mad! Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa mga naiisip.
"Alam na ba ni Jael?"kinakabahang tanong ko.
"Yes. Pinagmumura siya ni Papang sa phone call. God, please turn off your phone after this call. Baka tawagan ka rin niya. Hindi pa alam ni Yvonne ang tungkol dito at kung malaman niya'y baka sugurin ka nya d'yaan. You should talk to Jael, Crystal. 'Wag kang mag-alala, I will try to defend you." Puno ng frustration ang boses niya.
Nanlumo ako nang malaman ang totoong kinakaharap kong problema.
Si Tita Mira at Tita Joel, ano kayang inisip nila nang makita 'yon? They surely regret that they helped me! Tumulo ang luha sa mata ko. Si Papang. Si Papang, matalim siya magsalita. Sigurado akong pinandidirian niya na ako. Hindi ko pa nga siya ganoong ka close at ngayon, hindi ko na talaga siya makaka close!

BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...