Chapter 27

11 1 0
                                    

Chapter 27

Change

"Unang araw na walang susundo sa'yong Raze, Crystal."pang-aasar ni Peterson kaya inirapan ko siya.

"Nagkikita naman kasi kami araw-araw. Kayo ni France?"atake ko at nag flip hair sa kaniya.

Humalakhak si Kiro at binunggo ang balikat ko. "Burn."

"Ang yabang mo naman, Crystal."ani Peterson at napasapo sa kaniyang batok at iiling iling.

Humalakhak ako at nakipag-apir kay Kiro.

Nag commute ako. Nakakapanibago nga dahil wala si Raze. Hindi pa siya tumatawag kaya inisip ko nalang na baka nasa byahe pa siya.

Napatalon ako nabg tumunog ang phone ko.

Akala ko si Raze pero si Papa lang pala.

Papa:

San ka na? Bilisan mong umuwi.

Nagulat ako dahil kasunod ng text niya ay text rin ni Tita Milda.

Tita:

uwi ka na beh pakibilis.

Kinabahan agad ako at nilinga ang paligid. Buti nalang at malapit naman na ako. Bakit sila nagtext? Anong meron?

Pababa na ako nang tumunog ang phone ko sa tawag. Unknown number!

"Kuya, sa Artillera Compound."sambit ko sa tricycle driver at sumakay na kaagad.

"Hello?"boses ng babae.

"Hello, sino 'to?"sagot ko.

"Czarina 'to, Crystal." At narinig ko ang pag-iyak niya.

Agad akong ginapangan ng kaba dahil sa pag-iyak niya. "A-Anong nangyari?!"

"Nasa... N-Nasa ospital kami ngayon ni... ni Cezar. Hinihintay ka nila Tito Rey sa bahay n'yo. Crystal, pakibilisan n'yo please." At humagulhol siya.

Natulala ako saglit sa sinabi niya at naglayag ang mga posibleng nangyari kay Kuya sa utak ko.

Si Uno. Si Czarina. Oh my god.

Agad kong sinalubong sila Papa na nasa harap na ng bahay. May kotse doon at nakita kong nasa loob non ay si Greg. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Tara na po, Tatay Rey."

Hindi na ako nagawang kausapin nila Papa dahil sa taranta nila. Si Tita Milda ay iyak ng iyak habang si Papa naman ay may kino-contact sa kaniyang cellphone.

"Anong nangyari?"nangingiyak na tanong ko.

"H-Hindi ko alam. Hindi ko alam!"si Tita Milda na patuloy ang pag-iyak.

Nangilabot ako sa pag-iyak ni Tita kaya naiyak na rin ako dahil doon. Hindi ko alam kung anong nangyari at natatakot ako.

Naalala ko ang mga kwento ni Czarina. Ang pagbabanta ni Raze sa kanila na mag-ingat kay Uno. Fuck. Anong nangyari?

Nakarating kami sa ospital at panay na ang iyak ko kahit hindi ko pa nakikita si Kuya at tinatanong palang ang room kung nasaan siya. Hinawakan ni Greg ang balikat ko at bahagyang tinapik iyon para aluin ako.

Naglakad kami patungo sa kwartong sinabi ng nurse. Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari at puro nalang ako iyak.

Nakita ko sa labas ng kwarto si Czarina, Renzo, Priscilla, Fernan, Hanz at dalawang hindi ko kilalang tao.

"Anong nangyari?"tanong ni Tita Milda.

Bumuhos pa lalo ang luha sa mata ko habang pinapanood si Czarina na pagang paga ang mata sa pag-iyak.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon