CHAPTER 5
Problem
"Compliment ba pag nalaman mong nalilibugan sa'yo ang lalaki?"
Humagalpak ako sa tawa dahil sa tinanong ni Mara sa amin. Nasa labas ako ngayon. Gabi na at kinailangan ko silang tawagan para kamustahan.
Ngumiwi si Mara sa akin. Background niya'y kuwarto niya. Mukhang seryoso talaga siya sa tinanong niya. Lalo tuloy akong natawa.
"What is it again? Hindi ko narinig."si France na kakasulpot lang sa screen.
"Sabi ko, matutuwa ka ba kung sinabi ng lalaki na nalilibugan siya sayo?"ani Mara ulit kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.
Naalala ko si Raze. He's pissed. Siguro naintimidate din siya sa akin kanina. Napakagat ako sa aking labi at nilabas nalang sa tawa ang mga iniisip.
"Hindi! Sasampalin ko siya."ani France at pumapak sa hawak niyang popcorn.
"Eh, paano kung hindi naman masyadong malaswa ang pagkakasabi? Ayos lang naman... hindi naman siya sobrang ano..."pagdadahilan pa ni Mara.
"You already take it as a compliment, Mara. Halatang-halata sayo."natatawa-tawang sambit ko.
Malutong na nagmura si Mara at dineny ang sinabi ko. We waste our two hours talking. 'Di ko namalayan na nagpupuyat na pala ako. Shit.
"Crystal, pag-isipan mo na iyong sinabi kong trabaho sayo. I'm sure magugustuhan mo yun."ani Tita Milda bago ako pumasok ng kwarto.
Humikab ako. "Pag-isipan ko po."
Kahit wala naman akong balak talaga. Hindi ko naman balak na magfocus sa pagtatrabaho dahil nga magpapasukan din naman. Mas okay na kila Raze nalang ako magtatrabaho.
Kinabukasan, na-late ako! Lakad-takbo akong nagtungo sa bahay nila Raze at halos madapa ako nang mapalupot sa tangkay ang mga paa ko. Alas syete dapat ay nakaalis na ako, anong oras na! Alas otso na!
"Nakaalis na?"gulantang na tanong ko nang makitang walang katao-tao sa kubo. Wala ring tao sa kusina.
"Hinahanap mo si Raze?"
Napalingon ako at nakita si Thea. Nakahalukipkip siya at masungit ang tingin sa akin. Alam n'yo ba ang nakikita ko sa kaniya? Siya yung babaeng takot na takot maagawan. Yung tipong handang maging toxic para lang sa lalaking mahal. Ew.
"Hindi. 'Yung mga kasama ko..."
She laughed without humor. "Sinong niloko mo? Alam mo namang wala kayong schedule ngayon."
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Wala? Hala, weh? Hindi ko naman alam kasi ang schedule namin. Isang beses ko lang iyon natingnan at hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin.
Humakbang siya palapit sa akin kaya kinunot ko ang noo ko sa kaniya. Nandidiri ko siyang tiningnan. Mas lalo tuloy siyang nainis sa akin.
"Akala mo hindi ko napapansin? Gusto mo si Raziel 'no?"
Binigyan ko siya ng malungkot na pout. See? Dito ako pinaka nandidiri. Ayoko na, ekis na talaga.
Lalo pang umusok ang ilong niya sa akin. Nang makalapit siya ng sobra, nagulat ako nang itulak niya ang balikat ko. Akala ko hanggang kumprontahan lang!
"Ang landi mo. Ang bago bago mo lang rito. No wonder, naiinis sayo si Raze. Masyado kang higad. 'Di ka ba nandidiri sa ginagawa mo?"atake niya.
Namula agad siya sa inis at kitang kita iyon dahil sa puti niya. Maarte niyang hinawi ang tumabon na buhok sa kaniyang pisngi at masamang tiningnan ako.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...