Chapter 6

36 4 0
                                        

Chapter 6

Avoid

Hindi na ako mapakali pagtapos non. Lutang ako the whole time na masigla si Dominic. Hindi naman niya napapansin dahil abala siya sa pagkekwento ng mga bagay-bagay at sinasagot ko naman siya.

But deep down, I'm really spacing out.

Naubos ang oras namin ni Dominic sa pagkekwentuhan at pagtatawanan. Nawala naman agad sa isip ko ang tungkol kay Raze pero pag-uwi namin at pag-alis ni Dom, ginambala na naman ako nito.

What's the big deal, Crystal? Lagi naman talaga siyang galit sayo.

Hindi na ako gumala ulit pagtapos non. Inubos ko ang ilang araw na nasa bahay lang at nagtanim lang ako sa garden namin. Iyon ang pinagkaabalahan ko. Wala akong kasama sa bahay madalas dahil umaalis din si Kuya Cezar. Iyong pusa nalang pati ako ang naiiwan.

Puro pagcecellphone lang ang inatupag ko. Madalas ay nakatambay lang sa labas at nakikipagtawagan kila Mara pero hindi na ako lumalabas ng gate sa takot na baka magkita na naman kami ni Raze. Ayoko. Hindi ko alam kung bakit, basta ayoko.

Hinintay ko nalang ang oras na dumating sila France dito. Nagkalabuan pa kasi dahil nalaman ni Mara na kasama si Dominic. Eh, ayaw niya nga kay Dominic. Buti nalang napilit siya ni France.

Mara:

on our way there. pakihanda ang meryenda manang

Natawa ako sa text niya kaya agad akong nagtipa ng mensahe.

To: Mara

compliment ba pag nalilibugan sayo ang lalaki

Humalakhak ako lalo dahil tumawag siya at pinaulanan ako ng mura.

Dumating sila alas dies na ng umaga. Buti nalang at nakaligo na ako at nakapagbihis. Si Dominic ay halos kasabay rin nilang dumating.

"Let's gooooo!"si France na excited sa mga mangyayari at dali-daling bumaba ng sasakyan para yakapin ako.

Si Mara ay umismid pa muna sa sasakyan ni Dominic bago dumiretso sa akin at niyakap ako. Pabiro pang sinabunutan ang buhok ko dahil sa text ko sa kaniya.

"May gwapo rito?"tanong ni France.

Ngayon, bumaba na rin si Dominic.

"Oo, meron."ani Dominic at malakas na humalakhak.

Malakas na tumikhim si Mara na para bang nabubulunan. "Biglang bumaho dito, Crystal. Tara na?"

Hinila niya ang kamay ko. Aapila sana si Dominic dahil gusto niyang doon ako sa kotse niya pero di nalang pumalag. Si France nalang ang sumama sa kaniya sa sasakyan at ako naman, sa kotse ni Mara.

"Bakit kasi kaibigan niyo ang lalaki na yun, nakakainis."bulong bulong pa niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Hindi ako papayag na hindi kayo magkakasundo ngayong araw..."sambit ko at ngumisi.

"Hay nako! Wala akong balak, Crystal."singhal niya.

Ewan ko sa babae na 'to. Galit na galit kay Dom. Ang alam ko naman, walang ginagawa si Dominic sa kaniya. Nung tinanong ko naman siya, sinabi niyang wala ring dahilan basta kumukulo lang ang dugo niya sa lalaki na yun.

Bumaba kami sa kung saan kami nagpicnic ni Dominic. Balak namin maligo at maglaro ng volleyball at badminton. Tapos pupuntahan din namin iyong isla kung magkaroon ng pagkakataon.

Buti nalang at naka swimsuit na ako sa loob ng damit ko kaya walang problema. May bumagabag sa utak ko pero hindi ko na isinatinig.

Wala naman siguro siya doon diba? Busy siya eh. Baka nga wala doon. O baka tambayan niya yon? Dalawang beses ko na siyang nakita doon eh. Sana wala. Sana talaga wala.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon