Chapter 37

11 1 0
                                    

Chapter 37

Waiting

Humikab ako at tinanggal ang choker necklace sa aking leeg. The party is over. Inaantok na ako pero hindi ko alam kung makakatulog ba ako pagtapos ng mga nangyari kanina.

And how about the Mozo Company? I'm sure makikita ko siya doon. Bakit hindi ko napansin ang pangalan ng brand. Mozo. Harmozo. Dapat pala tinanggihan ko nalang ang offer na 'yon.

"I am so tired, damn." Humikab si Jael nang pumasok kami sa loob ng condo niya. Kaming tatlo ang nandito kasama si Mia at si Yvonne. May condo rin si Yvonne pero gusto daw niya muna dito kasama kami.

Sumunod ako sa kaniya paakyat habang tinatanggal niya ang tie niya. Sana lang ay hindi niya na itanong ang tungkol kay Raze at sa mga Ybañez ngayon. I don't want to talk about it now.

"Good night, Jael."matamlay na sambit ko at pumasok sa isang kwarto doon kung saan ako matutulog. Hindi ko naman na siya narinig na magsalita kaya hinayaan ko nalang.

I am right. I struggle to get some sleep cuz of many things in my mind. Paano ko kaya makakausap si Kiro? Kapag ba nakausap ko siya, sasabihin niya ba 'yon kay Raze?

I can trust him but I don't trust his loyalty to his brother.

God, I miss them so much. I want to get my life back. Namimiss ko na silang lahat. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa unan at doon binuhos ang mga luha ko. This pain will kill me soon. Slowly.

Kinabukasan, pahinga muna namin dahil masyado pang pagod sa nangyari kahapon pero bukas, lalarga na naman ako sa Mozo. I decided to just go to the gym or just go for a shopping. Ayokong mai-stuck sa bahay. I want to distract myself from this thoughts. I need to take everything slow or I will be depressed again.

"Where you goin'?"si Jael nang bumaba akong bihis na bihis no'ng umaga na 'yon. Nakaharap siya sa kaniyang laptop at nakaupo sa couch.

Sinilip ko si Mia na ngayon ay nagbe-breakfast. Hinagilap ng mga mata ko sila Tita Mira pero wala na sila. Probably already back on Batangas. Nagpaalam naman na sila kagabi sa akin.

"Where's Yvonne?"tanong ko at nagtungo sa lamesa.

"Umalis ng maaga. May date daw siya."ani Mia at pinaglaanan ako ng upuan sa tabi niya para doon ako umupo.

Sinulyapan ko si Jael na ngayon ay titig na titig sa akin at nakakunot ang noo. Nagtataka pa rin kung saan ako pupunta. Ngumisi ako sa kaniya.

"Balak ko mag enroll sa gym mamaya tapos magsha-shopping na rin. You wanna come?"aya ko sa kaniya.

Hindi natanggal ang paninitig niya sa akin pati ang kunot sa noo niya kaya ako naman ang nagtaka. What's wrong with him?

"Quit that stares, Crystal. Kumain ka na."si Mia na inilapit sa akin ang plato na naka prepare na doon.

"Umiyak ka ba?"si Jael na sinarado na ngayon ang laptop para ibaling sa akin ang buong atensyon.

Napakurap-kurap ako. Naramdaman ko ang mahapding mata ko. Of course, my eyes do look miserable right now. Buong gabi ba naman akong umiyak.

I shrugged. "Puyat lang siguro." I denied and looked down to my food.

"You're lying,"si Mia na ngayo'y nakatitig na rin sa akin. "Umiyak ka rin kagabi. I know it's not because of your panic attack or anxiety, Crystal. What happened?"

Ngayon, silang dalawa na ang nag-aabang na magsalita ako. Kinukurot ang puso ko. They know me so well. Napakagat ako sa aking labi at pinagbuntungan ang tubig sa aking harap. Tinungga ko iyon para mapigilan ang sarili sa pag-iyak.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon