Chapter 48

12 1 0
                                    

Chapter 48

What The Hell

"Good afternoon."

Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto ng condo ko, Miyerkules ng hapon. Si Yvonne 'yon. Malamig niya akong tiningnan at umupo siya sa couch.

"G-Good afternoon."uutal-utal na sambit ko at kinuha ang phone ko sa mesa.

"Sabay tayong pumunta sa Mozo."malamig na sambit niya kaya agad akong tumango.

Alam kong may hinala na si Yvonne. Hindi ko alam kung paano maitatago sa kaniya ngayon. Wala na ang engagement ring ko. Si Raze ay hindi nakikisama pag may kaharap kaming ibang tao. Madali lang niya akong mahuhuli.

Alam kong pagmamasidan niya kami ni Raze ngayon. Knowing her, hindi siya magdadalawang-isip magsalita pag may nakita siyang hindi tama. Natatakot akong baka hindi siya makapagpigil kapag nakita niya kaming magkausap ni Raze.

Bumaba kami ni Yvonne. Hindi ko mabuksan buksan ang phone ko dahil agad siyang dumudungaw. Panay din ang tago ko sa kamay ko. Natatakot na baka mapansin niyang wala akong suot na singsing.

"Did you already eat?"tanong niya nang sumakay kami sa sasakyan.

Umiling ako. "D-Doon na ako magla-lunch."sambit ko.

Tumango siya at sinulyapan ang kamay kong nakapasok sa bag ko kahit na wala naman akong kinukuha doon. Tinatago ko lang talaga.

"Late na ako nakatulog kagabi."kwento niya. "Nanood kasi ako ng movie."

"A-Anong movie?"tanong ko, sinusubukang sabayan ang pagiging kaswal niya.

Tumawa siya ng mahina habang nakatanaw ang tingin diretso sa daan. "It's about the two engage person."aniya at nilingon ako. "Tapos lumalandi ang isa sa iba."

Nanlamig ako sa sinabi niya at hindi nakapagsalita. Alam kong sa akin niya talaga gustong ipatama iyon. Tumawa siya pero purong sarkasmo iyon.

"It's interesting to watch and a bit disgusting."

Ngayon, nakumpirma kong may alam na talaga siya. Tumikhim lang ako at hindi na nagsalita. Walang alam si Yvonne. Wala siyang alam. Natural lang ang ganitong reaksyon niya dahil malaki ang naitulong ng pamilya nila sa akin at ganito ang ginagawa ko. Hindi niya pa alam kaya ayos lang.

Mamayang gabi na ang dinner at kaunting oras nalang ay malalaman na rin niya. Ayos lang ito. Nasa panig ko si Raze. Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga ng tahimik.

Bumaba kami sa Mozo. Tuloy-tuloy siyang naglakad papasok at sumunod naman ako sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad nang may makitang kung ano sa lobby at nilingon ako.

Nang humakbang pa ako palapit ay 'tsaka ko nakita si Raze na nakaupo doon. May hinihintay. Nanlaki ang mata ko. Umayos ng upo si Raze nang makita ako na para bang ginanahan.

Pinanood ni Yvonne ang reaksyon ko at nakitaan ko kaagad siya ng galit. Agad akong yumuko at nagdire-diretso sa elevator. Sumunod siya sa akin. Lalo akong ginapangan ng kaba sa naisip na baka sumakay rin si Raze. Laking pasasalamat ko nang sumara na ang pintuan ng elevator. Kaming dalawa ni Yvonne ang naiwan. Buti hindi siya sumunod.

Sobrang kabado ko na sa mga nangyayari. Yvonne is watching me intently. Alam na alam kong handa siyang sumabog anumang oras pag may nakitang mali sa akin at natatakot ako na baka gumawa siya ng eksena.

Pumasok kami sa studio. Hindi na siya nagsalita at nakakunot nalang ang noo niya. Nawala na sa mood at halatang galit sa akin.

"Good morning!"masayang bati ni Miss Hannah.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon