Chapter 16

23 3 0
                                    

Chapter 16

Kaibigan

"Eto na yun?"bagot na tanong sa akin ni Raze nang iangat niya ang bag ko. Sinabi ko kasi mabigat.

"Oo, todo na 'yan." sambit ko at nag-iwas ng tingin.

Humalakhak siya at pinwesto na sa back seat ang bag ko katabi ng lunchbox na ni-prepare niya.

"Anong niluto mo?"usisa ko at nanatili ang tingin doon sa lunchbox.

Humarap na siya sa kalsada at inistart na ang engine. "Just check it out later."

Ngumuso ako at nilingon siyang pagod na nakaharap sa kalsada. Curious tuloy ako. Marunong pala siya magluto. Marunong din ako magluto pero kadalasan mga madadali lang lutuin na lutong bahay.

Pakiramdam ko gulay at prutas ang nandoon sa loob. Sabi niya kasi, healthy dapat. Arte.

"Wala ka pang tulog."puna ko nang sulyapan ko siyang seryosong nagmamaneho.

I can't imagine a man can be fucking attractive even without sleep. Raze lang. Si Raze lang talaga.

Ngumisi siya at saglit na nilingon ako. "Worried about me?"

Napakurap-kurap ako at naiilang na tumawa. "O-Of course. Eh, wala kang pahinga dahil sa akin."

"Magpapahinga ako mamaya pag-uwi."he said. "How 'bout you? Kulang ka rin sa tulog."

"It's okay. Babawi nalang ako mamaya."I sighed silently. "Don't you have work?"

Kahit na hindi ko alam kung makakapagpahinga ba ako mamaya. Marami akong hahabulin sa school.

"Meron."he said. "Hawak ko ang oras ko. Not a problem,"nagkibit-balikat siya.

Akala ko ba sabi ni Kakay, naghahanda pa lang siya para sa kompanya ng pamilya niya?

"Sabi ni Kakay..."I paused. Saglit na nag-isip kung tama bang magtanong ng mga bagay tungkol sa kaniya.

"Hmmm?"he hummed, urging me to continue.

Bahala na nga. Tanong lang naman eh.

"Naghahanda ka palang raw sa kompanya n'yo. Pero bakit may mansyon ka na? May kotse?"kuryosong tanong ko.

Ito na ba ang getting to know each other stage?

"Yeah."he answered. "I am handling a company right before Papa tells me to handle his."

Oh? Posible ba yun? Dalawang kompanya na ang hina-handle niya?

"Ikaw ang CEO?"kuryosong tanong ko.

Umiling siya at tumawa. "Ang mga Papa ko."

Mga Papa?

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. 'Tsaka ko lang naalala ang tungkol sa magkaibang apilyedo ni Raze pati ni Kiro. What about that?

"My biological father is the owner of the company I'm handling before until now. Ang kompanya naman ng Papa ni Kiro ang pinaghahandaan ko."he explained.

Wow! Just wow. I wanna know the story behind his two Papa trusting him so much but that's a different story. Ayoko ng pumasok.

Pero kahit hindi siya ang CEO, malamang mataas pa rin ang pwesto niya roon. S'yempre anak siya ng CEO! Soon, he'll be the CEO. Siya ang heirs.

"S-Sino sa dalawang Papa mo ang naaksidente kahapon?" Nagdadalawang-isip na tanong ko.

"Kiro's Papa."

I let out a silent "Ahhh."

Isn't it amazing? Dalawa ang tinuturing na Papa ni Raze. He treated Kiro's father as his true father and vice versa. Pinagkatiwala pa nga sa kaniya ang kompanya. I wanted to know deeper about his family pero tingin ko, kay Kiro ko nalang itatanong.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon