Chapter 39

12 1 0
                                    

Chapter 39

Sorry

Umiling ako kay Raze at agad na tumayo. "You're insane." Huling sinabi ko bago umalis sa gilid niya.

Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Nanlalamig at nanginginig ang mga palad ko dahil sa mga sinabi niya.

Kabit? Gusto niyang maging kabit ko? Paano niya nasasabi 'yon? Ang Papa niya ay dalawa. Alam na alam niya ang pakiramdam na magkaroon ng pangalawang asawa tapos gano'n siya sa akin? He's truly insane.

He didn't mean what he said, right? Imposible. Hindi niya magagawa 'yon. Hindi ko rin naman papayagan. Pero bakit? Bakit niya naisip 'yon? Totoo ba 'yon?

I finished the shoot. Raze watched me but I didn't even glance at him. I am so proud of myself. Kahit na sobra sobra ang kaba ay hindi pa rin nahahalata.

5PM, tinawagan ko na si Jael para sunduin ako but his line is busy. 'Pag ganitong oras alam naman niya ng uuwi na ako.

Of course, he still fetched me everytime. Mauunang daanan ang condo ko bago ang condo niya kaya hindi naman kailangang mag-alala.

Pinagkibit-balikat ko nalang iyon at cinontact ang driver namin para sunduin ako. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng backstage.

Nakita ko si Raze na kausap si Miss Hannah pero nang makitang lumabas ako ay agad siyang bumaling sa akin. Malamig ang tingin pero pinapanood naman akong maglakad palabas.

Hindi ko ininda iyon at binilisan nalang ang paglakad para hindi niya ako masundan. Luckily, hindi naman niya ako sinundan.

Jael:

Sorry. Na contact mo na raw ang driver?

Ako:

yep. ginagawa mo ba?

Nasa basement na ako at hinihintay ang pagdating ng driver namin. Naisip ko tuloy sila Kiro. Okay lang naman siguro kung makikipagkita ako sa kanila ngayon diba?

Jael:

Daan ka rito sa condo ko. We need to talk.

Nangunot ang noo ko doon. Is it something important? Bakit kailangang sa condo n'ya?

May balak ba siya?

Tinampal ko ang sarili ko sa naisip. My trust issues is really in a different level, huh? Pati si Jael, pinag-iisipin ko.

Saktong pagdating ng sasakyan, nakita ko si Raze. Hindi ko na siya tiningnan at nagtuloy-tuloy na ako papasok sa sasakyan kahit na alam kong nakatingin na agad siya.

Raze, I maybe dead for you but I love myself. Kapag hinayaan ko ang sarili kong masaktan ulit sayo, baka ikamatay ko na.

"Kila Raze po muna tayo, Manong."

"Sinong Raze po?"

"Ha?" Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi. Sa sobrang okupado ng isip ko sa kaniya, pangalan niya na ang nababanggit ko!

"K-Kay Jael po, Manong. Sa condo n'ya..."

Napapikit ako dahil doon. Bwisit. Bwisit talaga! Nawiwindang na ako sa kaniya ngayon palang, bwisit talaga, Raze Harmozo.

Ayun nga ang nangyari. 'Tsaka ko lang ulit naisip kung ano ang maaaring dahilan ni Jael. Siguro sa Engagement? Baka iuurong na namin.

Sayang ang milyon na nagastos niya. Wala pang isang buwan. Paano si Papang? Anong sasabihin nila Tita Mira? Si Yvonne? Magagalit sila. Lalo na si Papang. Natatakot na ako iniisip ko palang.

Agad na akong pumunta sa condo niya. Dito nalang din ako magdidinner para pag-uwi ko, matutulog nalang ako.

"Hi!"sambit ko sa kaniya.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon