Chapter 46
Office
Sinuklay ni Raze paangat ang buhok ko gamit ang kaniyang daliri habang titig na titig sa akin. Hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Para akong hinehele habang pinapanood siyang inaalagaan ako. Namaga ang mata ko sa pag-iyak pero humupa naman na 'to ngayon.
"You should've told me. You should've contact me."sermon niya.
Ngumuso ako. "Nagbreak na tayo no'n eh..."
Matalim niya akong tiningnan. "Bakit ka nga ba nakipagbreak, Crystal?"
Ayan na, ayan na. Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ang katangahan ko. Guilty. Tangkang yuyuko ako pero inangat ni Raze ang tingin sa akin.
"Dahil kay Mama ba?"tanong niya. "Priscilla told me what happened. Dahil ba doon?"
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. Mukhang naisip na 'yon nga ang dahilan.
Napanguso ako. Hahayaan ko ba siyang isipin nalang 'yan o sasabihin ko ang ginawa ni Thea?
"Mama told me you're a mistress of that perverted business man."aniya. "Wala naman akong pakialam, Crystal. You're into me and you forgot about that man already. Hindi na big deal 'yon."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Wala siyang pakialam? What?!
"B-Big deal 'yon..."sambit ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "It's big deal if you are not inlove with me and you two-timed me. Eh hindi naman?"
Napanguso ako. So confident, Raze. Paano mo nasabing inlove ako sa'yo?
"Who told you I'm inlove with..." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin dahil dumilim na ang hitsura niya. Malakas na humalakhak ako at tinakpan nalang ang aking labi para mapigilan ang malakas na tawa.
He tilted his head. Pinapanood akong mamamatay na sa pagtawa. Tinutop ko ang aking labi at umiling-iling. "Keme lang."sambit ko at nag peace sign sa kaniya. "Pero big deal 'yon. Papayag ka ba girlfriend mo, kabit ng iba?" I tested him.
Tumaas ang kilay niya sa akin, mukhang alam na sinusubok ko siya. "I don't really care, Crystal. Girlfriend kita. That's only matters to me."
Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya at hindi ko napigilang mapangisi. Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin.
"Damn, girl. You need to stop biting your lips or I'll do it for you."aniya, nakatingin sa labi ko.
Nanlaki ang mata ko at agad tinakpan ang labi ko. Tumaas ang balahibo ko dahil mag-isa kami ngayon sa condo niya. Baka anong mangyari!
"Stop that!"inis na sambit ko at humalakhak naman siya habang namumula ako ng sobra. "Uuwi na nga ako, Raze. Ewan ko sayo."
Nalusaw ang pagtawa niya dahil sa sinabi ko. "Ba't ka uuwi? It's gettin' late. P'wede ka namang matulog dito."
Oh no. Ayaw ko!
Umiling agad ako. "I-It's just 9PM. Hindi pa late."
He groaned. "Nag-uusap pa tayo."
Umiling ako sa kaniya kahit na kitang kita sa mukha niya ang hindi pagpayag sa gusto ko. Hinampas ko ang hita niya. "Uuwi na ako! Hindi ako pwedeng matulog dito, Raze."
Napakamot siya sa kaniyang batok. "What's wrong with that? You are now my girlfriend and–"
"Hoy!" Lumayo ako sa kaniya. "Anong girlfriend?"pagtataray ko.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomansCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...