Chapter 9

23 2 0
                                    

Chapter 9

Disappoint

"Uwi na tayo, Raze!"sigaw ni Kuya Cezar sa amin.

Hindi ko alam kung tinawag niya ba si Raze kasi uuwi na kami o talagang gusto niya lang na maglayo kami ni Raze. Hinanap ko ang mata ni Priscilla at nakita ko siyang nasa malayong banda at nagmamasid sa amin ni Raze.

Agad akong lumayo kay Raze at nagkunwari nalang na pupunta kay Kuya Cezar.

I know that look. Hindi ko inoorbitan boyfriend mo, Priscilla, ikaw ang crush ko.

Tumayo nalang ako sa tabi ni Kuya Cezar na ngayo'y nanunuri ang tingin sa akin. Bumaling siya kay Raze na ngayon ay nakapameywang at pinupunasan ang kaniyang pawis. Pinunasan din ang kaniyang batok tapos sumulyap sa akin.

Tumikhim si Kuya Cezar tapos binaling ang tingin sa akin. Agad kong binaba ang mata sa sahig. Dammit! He's watching us!

Maya-maya ay umuwi na nga kami. Nakapagpalit na sila at ngayon ay nasa tricycle kami. Tahimik lang ako habang si Kuya Cezar na nasa tabi ko ay nakikipag-usap kay Raze na nasa likod pa rin ng driver ngayon. Rinig na rinig ko tuloy ang pag-uusap nila.

"Sino? Si Czarina?"ani Kuya Cezar.

"Uh-huh. Tinanong niya ako tungkol sa'yo."ani Raze.

"Oh?"natawa si Kuya Cezar. "She's just making her way to talk to you, dude."

"I don't think so. She asked for your number. Baka mamaya magtext na iyon sayo."ani Raze.

"Oh, girls. Gagawin talaga ang lahat..."ani Kuya na hindi pa rin naniniwala sa punto ni Raze. Tumingin pa siya sa akin na para bang tinitingnan ang reaksyon ko tungkol sa sinabi niya.

Oh? I'm not like what you said. Baka isipin nito gagawin ko ang lahat para kay Raze kahit na may jowa. No way, kuya. No way.

"Let's go, big sis."ani kuya at hinawakan ang balikat ko nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Punta ka bukas sa bahay nila Joel, 'Zar?"tanong ni Fernan. Iyong Joel ay kamag-anak siguro ni Priscilla. Alam ko, tropa rin nila iyon.

"Tingnan ko,"ani kuya at sinulyapan si Raze. "Ikaw, Raze?"

"Don't have plans. Tingnan ko rin. Ikaw, Crystal?"

'La? Nadawit pangalan ko? Nilingon ko sila at takhang tiningnan si Raze. Bakit niya ako tinatanong?

"Probably just inside our house, Raze. Bakit?"si Kuya Cezar.

Oh, he's being protective. Saved. I don't want to talk. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang ayaw kong sabihin na nasa bahay lang pero ayaw ko ring sabihin na may gagawin ako. Ewan ko rin.

Nagkibit-balikat si Raze at umayos ng tayo. "Just curious. Tara na."

Umalis na sila kaya sabay na kaming pumasok sa loob ni Kuya Cezar. Kinakabahan pa ako dahil baka kung anu-ano na naman ang itanong niya ngayong dalawa na lang kami at hindi nga ako nagkamali.

"D'you like Raze?"tanong niya gamit ang mapanuring mata.

Maang-maangan ko siyang tiningnan at umiling. "She have a girlfriend, kuya. Bakit?"

He chuckled a bit. Iiling-iling siyang nagtungo sa kusina. "Ang bangis nga naman ng kaibigan ko, pati kapatid ko'y nakuha..."

Ha?!

"Kuya, sabi ko wala akong gusto sa kaniya!"

'Tsaka ko lang naalala ang sinabi ko. She have a girlfriend. I shouldn't said that! Baka ang iniisip niya'y gusto ko si Raze pero hindi ko pinupush kasi may girlfriend. Gano'n naman talaga ang tunog. I should've said. "Hindi kuya, pangit." That would be more better!

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon