Chapter 17

19 2 0
                                    

Chapter 17

Inom

Sunday came. Wala akong pasok pati sa susunod na araw, Lunes. Pinilit ko sila Kiro na ituloy na namin iyong pag ligo sa dagat kaso sabi ni Peterson, may gig daw sila. Tengga tuloy ako sa bahay.

Si Raze ay mag-iisang linggo ko ng hindi nakikita. Nagtetext naman siya at sinasabi niya ang mga ganap niya sa buhay.

"Hello?"sagot ko sa tawag ni Raze. Kinagat ko ang aking labi.

"Uuwi na ako sa Martes o Miyerkules. May gusto ka bang ipabili? Pasalubong?"

Halata sa boses niya ang pagod. Sabi'y may naging problema raw at kailangan niyang lumuwas ng Manila para ma settle ang problema sa kompanya nila roon. Araw-araw nga siyang may meeting, sabi niya eh. Sa buong linggo na yun, madalas ang mga meetings. Madalang tuloy siyang nakakatawag. Ngayon lang siya tumawag.

"Wala. Mag-ingat ka..."sambit ko.

Kinakamusta niya lang ako sa tuwing nag-uusap kami. Minsan ay ina-update lang ako o kaya'y nagtatanong lang ng ginagawa ko. Nothing more.

Hinayaan ko lang at inintindi. But I admit that I miss him. Minsan naiisip ko na baka may babae siya roon pero pag tumatawag siya sa akin ay nawawala na ang mga pangamba ko na yun at malulunod nalang ulit sa ideyang gusto ko siya.



Humikab ako at inangat ang tingin sa langit. Hindi naman mukhang uulan at hindi rin mainit. Magii-skate nalang ako.

Inubos ko ang oras sa pag-iiskate. Sakto dahil nandoon sila Fernan, Greg, Renzo at Kuya Cezar kasama si Hanz. Wala si Raze dahil hindi pa nga nakakauwi. Sinubukan ko ang pwesto doon. Yung pa letter U na pang-skate.

Tumungtong ako sa taas at pinwesto ang skateboard ko sa ibaba. Sinusubukan ko ito dati sa amin at pina-practice ko palang ito doon. Hindi pa ako marunong nito at talagang masasaktan at masasaktan ako.

"Marunong ka?"

Nilingon ko si Hanz na nakaangat ang tingin sa akin. Ngumisi ako at umiling.

Tinapik tapik ko ang aking paa sa kahoy 'tsaka ko inayos muli ang skateboard ko.

"Pinapractice ko 'to non sa amin kaya dito ko nalang itutuloy."sambit ko.

"Sali tayo kay Crystal, kunin natin skateboard natin!"si Greg.

"'Yoko, bro. Magbabasketball tayo, eh."si Fernan.

"KJ!"

Tumikhim ako at sinubukan na. Nang ipatong ko ang paa ko sa skateboard kasabay ng paggulong nito, sumalpok agad ako sa makinis na kahoy.

"Ouch!"si Fernan na napapikit dahil sa pagtumba ko.

"Oh, sakit non." Ngumiwi si Greg.

Tumayo ako at sinubukan ulit.

"Go, Crystal!"si Renzo at malakas na pumalakpak na akala mo'y nagtatawag ng kalapati.

"Balance, Crystal."si Kuya Cezar kaya ngumisi lang ako sa kaniya.

Second try, halos gumulong ako dahil sa lala ng pagbagsak. Ang skateboard ko, bumagsak sa tapat ni Hanz na iiling-iling at mukhang nag-aalala.

Huminga ako ng malalim at ngumisi sa kaniya para siguruhing ayos lang ako. Kinuha ko ulit ang skateboard ko at pumwesto sa itaas.

"You'll keep on hurting yourself, Crystal. Baka tumilapon ka rito at mauntog ang ulo mo sa sahig."si Hanz.

Umiling ako at binaba ulit ang skateboard. "Practice makes perfect."

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon