CHAPTER 3
Try
"Salamat. Uh... Saan ba kayo?"tanong ko kay Priscilla nang bumaba ako ng sasakyan nila. Sabi ko kasi'y ibaba nalang ako sa Walter Mart.
"D'yan lang, kakain kami doon sa bagong bukas na restaurant."aniya at ngumisi. "We gotta go. Mag-ingat ka!"
Nilingon ako ni Raze. Nagkatinginan kami. Hindi pa mapuputol ang tinginan kung hindi siya hinampas ni Priscilla sa braso at dinuro ang daan. Sinasabing magmaneho na.
Nagwala ang puso ko dahil doon pero hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa loob ng mall. Habang naglalakad, nakita ko ang numero ni Dominic na lumitaw sa aking phone.
"Hello?"sagot ko.
"Hoy! Bakit hindi ka nagchachat sa GC?! Pati si Dominic 'di mo kino-contact!"boses ni France ang narinig ko. 'Tsaka ko lang napansin na conference call pala ito.
"Wala kasing signal doon sa kwarto ko. 'Tsaka naging busy ako."pangangatwiran ko. "Nasa mall ako ngayon. Kayo? Kamusta si Undertaker?"
Humalakhak si Dominic. "Gigil pa rin sa'yo yun. Baliw ka kasi."
Napairap ako at pumasok sa boutique ng mga damit.
"Naiinis sayo si Mara!"si France. "Bisitahin ka namin d'yan next next week. Ano, game? Inom?"
Napangiwi ako. "Ayokong uminom."
Humiyaw si Dominic na para bang hindi makapaniwala. Sinabayan pa ng nakakalokong halakhak ni France.
"Crystal Fey 'mabait na mindoreña' Valdez."sabay halakhak ulit.
"Ewan ko sainyo. Ibababa ko na 'to. Nasa mall ako!"
Pinatay ko na agad ang tawag. Bahala sila. Wala si Mara sa confe na iyon dahil hindi naman sila close ni Dom. Galit nga si Mara kay Dom dahil daw masama ang ugali. Ewan ko kung may past ba sila o talagang ayaw lang nila sa isa't-isa.
Natapos ang pagbili ko ng gamit. Bumili ako ng mga skin care products at mga damit. Iyon lang ang binili ko at tatlong paper bags lang pero inabot ako ng tatlong oras. Pa'no kasi'y nagdadalawang-isip ako sa mga bibilhin. Kailangan ko kasing magtipid.
"Tagal..."bulong ko dahil walang masyadong dumadaan na tricycle. Twenty minutes na akong nakatayo, wala pa rin kaya tinext ko si Kuya Cezar.
To: Kuya Cezar
bakit ganon, kuya? walang dumadaan na tricycle. hindi ako makauwi
I sighed. Nangangawit na ang paa ko at naiinitan na rin. Pawis na pawis na ako!
Kuya Cezar:
Ganyan talaga yan. 20 mins pag walang dumating, papasundo nalang kita.
'La, 20 mins pa? Sa inis ay padabog akong naglakad patungo ulit sa mall. Pawis na pawis na ako at nanlalagkit na sa sarili.
"Huy, Crystal!"
Napatalon ako. Nang lingunin kung sino iyon ay nanlaki ang mata ko nang makita si bakla. Iyong sa handaan!
"H-Hi!"
"Nalosyang ka na, hirap maghintay sa labas 'no?"aniya pa at tumawa.
Tumango ako. "Ang init din kasi."
'Tsaka ko lang napansin na may kasama pala siyang babae. Maiksi ang buhok pero mas maiksi pa rin ang sa akin. Hanggang baba ng balikat ang buhok niya habang ang buhok ko'y halos dikitan na ang panga ko.
"Ah, si Thea pala."aniya.
Ngumisi lang ng hilaw ang babae at bumalik sa poker face. Aba! Pinamukhang hindi talaga siya interesedo! Samantalang ako ay hinead-to-toe lang siya at hindi manlang nginitian.
![](https://img.wattpad.com/cover/236113060-288-k16916.jpg)
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...