Chapter 28

11 1 0
                                    

Chapter 28

Business Partner



Mara:

kamusta ka, crystal?

France:

i love u @Crystal Valdez be strong

Kiro:

hey. punta kami d'yan ni peterson sa wednesday. sabi ni kuya, uuwi rin siya non. okay lang ba o sa sunod na araw nalang?

are u okay? nakausap ko na prof natin, wag kang mag-alala. take ur time bbgirl

Peterson:

crystal namimiss ka na namin T____T

ginagawan kita ng assignment at homeworks

assignment na homeworks pa amputa.

ginagawan kita mga activities tropa i got u basta wag ka pakastress tol mahal ka namin

Ngayon ko lang nabuksan ang Messenger at Text Messages ng mga kaibigan ko. Bumuntong-hininga ako at hindi na muna sila nireplyan. Uuwi muna ako. Gustong gusto ko na magpahinga.

Pumunta muna ako sa bahay para kumuha ng gamit. Nilagay ko iyon sa bag. Doon na rin kasi ako maliligo bago ako magpahinga.

Sobrang pagod ako. Physically, emotionally and mentally. Hindi ko alam kung sapat ang tulog lalo na't inaalala ko si Kuya.

Wala pa ring progress. Coma siya for a week and counting. Na damage ang ibang organs niya dahil sa pagkakasaksak at halos maubusan siya ng dugo. He's in critical condition. Natatakot ako para sa kaniya. Natatakot ako ng sobra.

Ako:

punta na ako doon. call u later. i love you.

Tinahak ko ang daan patungo sa bahay ni Raze. It's already 8PM kaya madilim na rin. Marami pa namang tao. Nakita ko pa sa di kalayuan sila Hanz pero hindi ko sila pinagtuonan ng pansin at nagdire-diretso na sa gate ng bahay ni Raze.

"Good evening po,"magalang akong binati ng guard kaya bahagya akong yumuko bilang pagbati.

Napansin ko ang kotse na naka park sa tapat. Nakita ko na 'yan noon dito. Lagi talagang may kotse d'yan.

Nginisian ako ng mga kasambahay na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa garden. Nginisian ko lang din sila ng tipid.

"Ingat, Ma'm. Baka madulas ka po."anang lalaki dahil basa ang daanan.

Umiwas nalang ako sa pool na walang laman dahil nilinis 'yata nila. Ang sipag naman nila ngayon.

Nang makarating ako sa pintuan ay nanlaki ang mata ko nang makita doon si Priscilla at ang Mama ni Raze.

Agad akong nakaramdaman ng kaba.

"Uy, Crystal!"masayang bati ni Priscilla na agad lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.

Nanatili ang tingin ko kay Mrs. Ybañez. Malamig ang tingin niya sa akin noon pero iba ngayon. May disgusto at pagkairita sa kaniya ngayong nasa harap niya ako.

Pinilit kong ngumisi ng kaunti. "Magandang gabi po."

"Buti nandito ka. Nagluto ako ng menudo. Kumakain ka ba no'n?"si Priscilla.

I don't think I have the right to stay here. Ang akala kong lugar ko sa mundo ay ang lugar ni Raze, hindi pala. Nakaramdam ako ng takot dahil nasa harap ko si Mrs. Ybañez na alam kong ayaw rin sa akin.

Tumango ako kay Priscilla at pilit na nginisian siya. "Hindi ako magtatagal. P-Pinacheck lang ni Raze ang bahay n'ya, Priscilla. Napadaan lang din ako..."

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon