Chapter 34
Engagement
Naging mahirap sa amin ang pagsabi sa pamilya nila. S'yempre, ang alam ng lahat, busy si Jael sa pagiging sundalo. Minsan lang siya nandito sa Batangas at ngayon, malalaman nilang may girlfriend pala ang panganay nilang anak.
Natutuwa sa akin si Mrs. Mira Clemente at Mr. Joel Clemente. Ang mga magulang ni Mia at Jael. Alam nila ang tungkol sa sakit ko at tanggap nila 'yon. Mabait sila. Kinikilig pa tuwing nag-uusap kami ni Jael.
Samantalang si Mr. Julio Clemente, ang Papang ni Jael at Mia, na may-ari ng MENT mall, mapanuri ang mga mata at may pagdududa. Panay ang pag ngisi niya pero hindi pa rin nakaligtas sa akin ang mga mapanuri niyang mga mata.
"Ayos lang ba, Papang? Dito muna manatili ang girlfriend ko habang nagpapagaling siya?"si Jael.
Tumikhim ako at siniko si Jael. "Okay lang po kung... kung magiging yaya ako rito para–"
"No!"halos sabay na sigaw ni Mrs. Clemente at Mia.
Padarag na binitawan ni Mia ang kubyertos at pinandilatan ako ng mata. "Hindi pwede. Ayoko. Hindi bagay sa'yo ang pagiging yaya."
"Mia is right, Crystal." Nilingon ako ni Jael.
Napanguso ako at tumango. Nagsa-suggest lang naman ako. Nakakahiya kung naka tengga lang ako rito sa bahay habang sila'y may sari-sariling buhay.
"Hanggang sa gumaling ka lang naman, Crystal. 'Pag magaling ka na, e'di 'tsaka ka mag rent ng sarili mo. Hindi ka pwedeng iwan ng mag-isa. Better if you have interactions with the people. Si Yvonne, p'wede kang sumama sa kaniya everytime na lalabas siya."si Mia at sinulyapan ang babae na tahimik at nanonood lang sa amin.
Sinulyapan ko si Yvonne. Malawak na ngumisi siya sa akin kaya ngumisi lang din ako.
"I don't think she should be with Yvonne, Mia. Party-goer si Yvonne. Baka maging bad influence pa–"si Jael.
"Aw, you're hurting me, Kuya. Baka hindi na ako lapitan ni Crystal dahil sa sinasabi mo..." Ngumuso si Yvonne.
Tumawa ako. "I can come with Yvonne." Tumingin ako kay Jael at ngumisi sa kaniya. "Besides, magkaedad naman kami."
Mas matanda si Mia sa akin ng isang taon. Samantalang tatlong taon naman ang agwat sa akin ni Jael. Kami talaga ni Yvonne ang magkaedad. Siya ang bunso at siya rin ang tinuturing na "black sheep". Hindi naman siya mukhang rebelde.
Mahilig lang siyang tumuklas ng iba't-ibang bagay. She drink. She smoke. Nakikipag karera. That's normal. Of course, we have our rebellion days. Sabi ni Mrs. Clemente, hindi siya ganyan dati. Maybe she have the reason. Brokenhearted?
"She can stay here forever. She's your girlfriend anyway," Nagkibit-balikat si Papang. Hindi na kami pinakialaman.
Hindi naman dito nakatira si Papang. May hacienda siya malayo dito sa mansyon nila Jael. Madalas lang siya rito kapag may pagpupulong at importanteng ganap.
Si Papang ang nasusunod. Si Papang ang nagdedesisyon. Dapat alam niya lahat lalo na pagdating sa mga pera. Matipid siya at wais sa pera. Grabe rin magalit kaya takot sila Jael sa kaniya.
Nanatili ako doon dahil nag-aalala rin sila sa akin. 'Tsaka ko lang nalaman na doctor pala si Mrs. Clemente. Sabi niya'y 'wag daw ako magpakalugmok. Sumama nga raw ako kay Yvonne. Tutol si Jael pero wala na rin siyang nagawa.
Naging maayos ang tatlong buwan kong pagpapagaling sa tirahan nila Jael. Nakakasundo ko ang mga kasambahay at ang mga guard. Lahat nakakasundo ko ng maayos at pamilya ang turing sa akin ng lahat. Sumasama ako kay Yvonne at sobrang makulit siya. Katulad ng ate at kuya niya, madali siyang pakasamahan. Sa sobrang ikling panahon, naging kaibigan ko rin siya.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...