Chapter 49

20 2 0
                                    

Chapter 49

His Condo

"Jael!"sigaw ni Papang na ngayon ay nagpupuyos sa galit.

Tumikhim si Mara. Nilipat ko ang tingin sa kaniya at nakita ko ang malamig niyang tingin kay Papang. Ang tapang ng hitsura niya!

"Sir, I'm sure you still know me."si Mara. "I am Mara Florante. This is Kael Tyron, our son." Nilingon niya ang bata at binalik ang tingin kay Papang.

"He lived in a peaceful place somewhere in America. Walang ingay. Walang sumisigaw. Walang mga bayolenteng tao. Kaya mawalang galang na po, 'wag po ninyong bigyan ng ideya ang anak ko sa mga gano'ng bagay."

Napaawang nalang ang labi ko habang pinapanood ang dati kong kaibigan.

"Sinunod ko po kayo nang sabihin nin'yong hiwalayan ko si Jael. Ginawa ko po. Ngayon, si Jael na po ang lumapit sa amin. Siya po ang paiwasin n'yo dahil hindi na ako tatakbo palayo. Hindi na ngayong nadadamay si Kael."

Para akong nabingi sa narinig. Si Jael ang ama ng bata. Pinalayo ni Papang si Mara sa kaniya. Bakit kaya?

Ibig sabihin, no'ng inlove si Mara dati, si Jael ang dahilan? At nakausap ko na noon si Jael sa phone call! Sobrang laking pasabog. What the hell?

Titig na titig si Jael kay Mara. Naalala kong matagal siyang hinintay ni Jael. Iniwan siya na hindi alam ang dahilan. Grabe. I am speechless. Hindi ako makapaniwala na hindi lang ako ang makakapagpagulat sa mga tao na 'to dito.

"Crystal is my best friend." Nilingon ako ni Mara at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata niya. "I am happy... to see you again..." Bumuhos ang luha sa mata niya.

Automatikong bumuhos din ang luha ko at lumapit sa kaniya. Mahigpit ko siyang niyakap.

"We'll talk later. I love you. I miss you so much."bulong niya sa akin at tumango-tango ako.

"Bakit ngayon ka lang dumating?!"si Tita Mira. "And why didn't you gave us the chance to meet our grandchild before?!"

"Mira..."awat ni Tito Joel.

"Mama, can't you hear her? Pinigilan siya ni Papang. Pinalayo siya ni Papang. Para namang hindi mo alam ang ugali ni Papang?"mapait na sambit ni Mia.

Lumipat ang tingin ko kay Papang na ngayon ay tulala na.

"I-I'm sorry."si Papang na titig na titig sa batang lalaki na nasa bisig ni Jael. "I-I didn't know. I'm sorry..."

Tumayo si Papang at naging emosyonal ang lahat. Lumapit siya sa bata at manghang tiningnan ito. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang mga luha ni Papang habang nakatingin kay baby Kael.

Naalala kong gustong gusto niya nang magkaroon ng apo. This is very satisfying. Everything is okay now, Crystal. Everything is okay.

May naramdaman akong pagyakap sa aking likod kaya nilingon ko kung sino 'yon.

Sinubsob ni Yvonne ang mukha niya sa aking likod at umiyak. Namuo na naman ang luha sa mata ko. Hindi na maubos ubos!

Hinarap ko siya. "Hey..."

"I'm sorry..." Ngumuso siya at tiningnan ako. "Akala ko niloloko mo ang kuya mo. I am hurt and confused, Crystal. I am very disappointed kasi gustong gusto kita para sa kaniya. Gusto kitang makasama ng matagal. At kung totoong niloko mo siya, magtatapos din tayo. I'm sorry. I'm really sorry..."

I pouted. My clingy Yvonne is still here.

"It's okay. We're okay now. I love you."

Ngumisi siya sa akin. "I love you more! Please, 'wag mo akong kalimutan kahit iba na ang boyfriend mo. Please..."

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon