Chapter 45
Hug
"Bakit ako nandito, ayoko nga kasi!"singhal ko kay Raze nang bumaba siya sa sasakyan at buksan na ang pintuan ng front seat.
"You have no choice, we're already here."aniya at hinatak ako palabas ng sasakyan kaya wala akong nagawa kundi lumabas. Muntik ko pang maiwan ang bag ko kaya binalikan ko 'yon at mahigpit na hinawakan.
It's already 7PM. Agad kaming pumasok sa elevator. I can't believe this. Kani-kanina lang, galit siya. Ngayon naman, hindi na ako pinakawalan. I don't really understand him.
"What do you want for dinner?"tanong niya at hatak hatak pa rin ako nang lumabas kami ng elevator.
Halos madapa na ako sa mabilis niyang maglakad. Nakakainis!
"I don't want to eat here. Sa condo ko ako kakain."inis na sambit ko.
"Oh, okay. Didn't know you like steak for dinner."aniya na para bang steak ang sinagot ko. Oh god! Hanggang ngayon, ganito pa rin ang ugali niya. So smart, Raze. Ganitong ganito mo talaga ako nakuha no'n eh 'no?
"Raze, ayoko talagang kumain dito."inis na sambit ko habang binubuksan niya ang pintuan. Takot na takot nga dahil nilipat niya pa talaga ang pagkakahawak sa braso ko sa kaliwang kamay niya para lang maipasok ang susi gamit ang kanan. Hindi ako mabitaw-bitawan.
"Sure thing. You want extra rice." Tumango-tango siya. Umaaktong iyon nga ang sinasabi ko sa kaniya. "That's good for you coz you're thin."
Napa-face palm nalang ako. Namimiss ko si Raze pero naiirita pa rin talaga ako pag ganito siya.
Pumasok kami at sumalubong sa akin ang maganda at malawak na condo niya. Mas malawak pa sa condo ko. Maraming gamit pero malinis. May balcony pa sa bandang dulo.
Tahimik na umupo ako sa sofa na nandoon at pinatong ang bag sa aking hita. Si Raze ay may tinawagan habang papasok siya sa isang kwarto.
Napanguso ako at tumayo. Pupunta nalang ako sa balkonahe. Gusto kong makita ang city lights. Humikab ako at dahan-dahang naglakad papunta doon pero nasulyapan ko ang kwarto ni Raze.
Imbis na sa balkonahe tuloy ang punta ko, sinundan ko siya. Bago ko pa tanungin ang sarili ko kung bakit ko siya sinusundan, nandoon na ako.
May king size bed doon tapos couch. Nilingon ko ang paligid. Wala naman si Raze. Mayroong isang pinto doon na tingin ko ay CR. Baka nando'n siya. Sa malayong banda ay may lamesa na punong-puno ng mga papel. Napaigtad ako at pinaliit ang aking mata para makita ang mga papel na 'yon.
Nanlaki ang mata ko at humakbang palapit doon pero natigil din nang bumukas ang pintuan ng banyo at niluwa no'n si Raze. Naka simpleng shirt at maong na siya. Nanlaki rin ang mata niya nang makita ako sa loob ng kwarto niya.
Nilipat ko ang tingin sa lamesa at hindi ako pwedeng magkamali! Makakapal na papel ang nandoon at mga brochure yo'n! Mga brochure kung saan nandoon ang picture ko sa bar!
"Crystal,"tawag ni Raze pero agad na akong lumapit sa mesa para siguruhin kung tama ba ang nakikita ko.
Dangkal dangkal ang mga papel. Bakit nandito? Sinabi ni Kiro na nakita niy Raze ang brochure pero hindi ko inexpect na ganito karami ang mga brochure na 'yon!
"I collect all the brochure that... uh.. have a picture of you."ani Raze habang humahakbang na rin papalapit sa akin.
Kinuha ko ang piraso ng papel at tinitigan 'yon. Crystal Fey Valdez. 19 years old. Female. Nandoon pa rin ang mga detalye tungkol sa akin. Ang mga presyo. Naalala ko na naman ang lalaking mataba na 'yon.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomansCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...