Chapter 19

14 2 0
                                    

Chapter 19

Naghihintay At Nananabik

"Boring." Nilapag ko ang phone niya sa harap at humikab.

Tinigil niya na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Bababa na sana siya nang magsalita ako.

"Di tayo pupunta kila Greg? Sabi ni Priscilla pumunta ka raw don."

Nilingon niya ako. "May alak doon. Maraming tao. Maraming lalaki. Nandoon ang mga kaaway mo. Just rest and I'll go home too. I'll text you."

Napanguso nalang ako. Nagpipigil ng ngisi. Is this really happening or is this just one of my fantasy of him?

"Baka hinihintay ako ni Kuya roon."I reasoned out.

"Crystal," Hinarap niya ako. "Amoy alak ka. You won't like him to know what you did, don't you? Kung magtanong siya'y sasabihin ko talaga ang totoo."

Inirapan ko siya. "Hindi naman iyon big deal sa kaniya."

"I'll punch him in the face, then."seryosong aniya. "Magpahinga ka na. Papainumin ka lang nila roon. Maraming lalaki doon. Every boys will just make a move to you there. Ayoko non, Crystal. Kung hindi mo alam, ayoko non."

Napanguso ako lalo. Dalawang beses niya ng sinabi ang "Maraming lalaki roon". Yun siguro talaga ang pinaka kinababahala niya.

Tumango nalang ako at sinulyapan muli ang phone niya. Lumabas naman na siya agad at pinabuksan ako ng pinto.

Gusto ko angkinin ang phone niya. Gusto ko magkalkal pero bawal. Wag na. Wag na, Crystal. Ambisyosa ka masyado.

"I-I... uhmm.. I-I'll wait for you're text."nauutal-utal na sambit ko.

Umangat agad ang labi niya. Natuwa at nasurpresa sa sinabi ko. "Mmm. Why?"nanunuyang tanong niya.

Anong why?! Puta 'to.

"Di na pala, matutulog na lang ako kaysa maghintay sa text mo."mapait na sambit ko.

May sama ng loob pa dahil sa hindi niya pagtetext sa akin ng ilang araw kahit na nakita ko naman kanina nung chineck ko ay may mga message nga doon si Raze sa akin. Hindi ko alam kung ba't di ko nareceive. Probably because of the signal.

He chuckled and hold my shoulder. Para akong kinuryente sa hawak niya. Binuksan niya ang gate para sa akin at iginaya na ako papasok doon.

"I'll text you, okay? Pupuntahan kita rito pag di ka nagreply." May pagbabanta ang tono niya.

"Tss.." Is all I said 'tsaka ako pumasok sa loob.

Nilingon ko siya pero iwinasiwas niya na ang kamay niya. Sinasabing pumasok na ako. I pouted. Parang robot na tumalikod ako ulit at naglakad na nga papasok ng bahay.

Bitin!

Nag text nga si Raze katulad ng sinabi niya. And yeah, it's more hella good staying here and texting him kaysa magpunta sa handaan ni Greg.

Nagpaulit-ulit sa utak ko ang nangyari kanina. Raze is so mad. Naabutan niya akong hinahaplos ng kaibigan ni Peter. Sabi n'ya, sobra siyang nagseselos. Sobra ang galit niya pero nang malaman na naiinis ako sa kaniya dahil hindi siya nagparamdam, nagbago ang ihip ng hangin. Sinuyo niya ako.

Siya ang nagalit pero ako pa rin ang sinuyo. Napangisi ako dahil doon at hinaplos ang choker necklace sa aking leeg.

Kaya naman nang matapos ang araw na yun, kinabukasan, pasukan na naman.

"Morning!"masayang bati ko kay Kuya Cezar na humihikab at kakagising lang.

"Mornin',"bati niya pabalik. "Nakakain ka na?"

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon