Chapter 22

11 0 0
                                    

Chapter 22

Nice To Meet You

"Gandang gabi, Raziel."nanunuyang bati ni Peter.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Raze. Ginalaw ni Raze ang kaniyang ulo, sumesenyas na umalis na siya. Ganoon din si Kiro.

Tinapik ni Kiro ang balikat ko. "Ingat kayo!"

"Ingat, Crystal!"si Peter na naglakad agad papalayo.

Napanguso ako at pinanood ang dalawa na lumayo. Ayaw ko maiwan kay Raze mag-isa. Nahihiya at naiilang ako.

Nilingon ko si Raze. May kaunting ngisi sa kaniyang mukha na para bang natatawa. Hindi ko maiwasang hindi purihin sa utak ko ang agaw-pansin niyang aura. He looked freaking hot with his white shirt. White shirt lang. How can he be so fucking attractive effortlessly?

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa mukha. Umirap ako at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Hindi pa tayo bati, Raze.

Stick to the plan tayo, Crystal. Hindi ka papayag na mag boyfriend-girlfriend kayo. Wag kang papayag.

Umikot siya at binuksan ang pinto sa driver's seat. Pumwesto na siya doon at agad akong nilingon. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa paglingon niya pero hindi ko pinahalata at binigyan siya ng malamig na tingin.

Hindi matanggal tanggal ang ngisi niya. And I know it's because of our conversation last night. Talagang nang-aasar. O baka naman iniisip niyang payag talaga ako? Oh no, keep on dreaming.

Nag-iwas ako ng tingin, diniretso nalang ang mata sa harap ko.

"You want to eat somethin'?"rinig kong aniya.

Kahit na hindi ako nakatingin at naririnig ko lang siya, alam kong nakangisi pa rin siya!

Umiling ako. "Iuwi mo nalang ako."malamig na sambit ko.

"Iuwi kita?"nanunuyang aniya.

Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. "Sa bahay namin!"singhal ko at inis na inirapan siya.

Humalakhak siya dahil doon. Lalo akong nabwisit. "Sungit ng girlfriend ko."

Gaaaah! Nag-init ang pisngi ko sa narinig at hindi agad nakasalita. Huminga ako ng malalim. Isang beses pa na tawagin niya ako n'yan, tatanggi na talaga ako.

"Mukhang puyat ka."sambit niya at pinaandar ang sasakyan. "Can't stop thinking about me?"nanunuya pa niyang sambit.

Naikuyom ko ang kamao ko. Talk back, Crystal! Huminga ako ng malalim 'tsaka nagsalita.

"Assumero." Is all I said.

Tumawa ulit siya. Hell yeah, oo na. Iniisip na talaga kita kagabi, Raze. Pwede bang manahimik ka na?

"You should've text me. E'di sana pumunta ako sainyo."

Napairap ako sa inis. "I don't want you around, pwede ba? Manahimik ka nalang at magdrive."

Sinulyapan niya ako, may ngisi pa rin sa kaniyang labi. "So much hate to your boyfriend, huh?"

Fuck it!

Lalong namula ang pisngi ko. Kailangan ko pang huminga ng malalim bago sumagot dahil kung hindi, manginginig ang boses ko.

"Hindi kita boyfriend." Napalunok ako. "W-Wala akong boyfriend." Nautal pa ako!

Malakas na tumikhim siya at pekeng umubo. "Come again? Hindi ko narinig."

He's playing around here and I don't know if I can handle this. Malakas ang kalabog ng dibdib ko. Naiinis ako pero hindi ko malubos ang pagkagalit dahil naghuhuramentado ang sistema ko sa kaniya. Bwisit!

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon