Chapter 12

21 3 0
                                    

Chapter 12

Come With You

"What do you mean, Kuya?"si Kiro.

Namula ang pisngi ko dahil doon. Hindi ko alam kung mahihiya ako o magagalit. Kahit na hindi kinumpirma ni Raze ang sinabi niya'y alam kong may ideya na ang dalawang gulantang sa likod namin.

Huminga ako ng malalim at pinilit na tumawa. "O-Oo nga. What do you mean?"nauutal-utal na tanong ko.

Sinulyapan niya ako. Matalim ang mata at may pagbabanta. Lalo akong nabwisit.

Pagtapos ko sa kaniya, si Kiro naman? What does he mean by that? Na nilandi ko siya at ngayon, kay Kiro naman? Wow ah! Siya nga ang malandi, eh. Siya ang nagpapakita ng motibo.

Hindi na siya nagsalita pagtapos non kaya tinikom ko nalang din ang bibig ko. Si Peterson ay nawi-weirduhan na. Si Kiro ay gustong-gusto ng malaman ang sagot sa mga tanong sa utak niya at hindi na matanggal ang kunot sa noo niya.

"Saan ba ang inyo, Crystal?"si Kiro. "Kuya, bakit sa bahay mo ang punta natin? Kila Crystal tayo."

Oh, damn. Hindi pala niya alam na magkapit-bahay kami ng kuya niya. Baka pag sinagot ko ay magkaroon na ng konklusyon ang utak niya at masagot ang mga tanong niya.

But... As what he said, sa bahay ni Raze? Kaya ba walang tao doon sa mansyon ni Raze ay dahil siya lang mag-isa ang tao doon? Tapos iba rin ang bahay nito nila Kiro?

"Magkapit-bahay kami ni Raze, Kiro."sagot ko at bumuntong-hininga.

Saglit na natigilan si Peterson at tumawa. "That's cool!"si Peterson. "Nice, nice."natutuwang aniya pa.

Kiro's mouth turned into 'O'. Tumango-tango siya at ngayon ay napatitig sa kawalan. Ngayon, nasagot na siguro ang mga tanong niya pero hindi pa rin nawala ang kunot sa kaniyang noo.

Tumikhim ako at umayos ng upo nang matanaw na ang bahay. "D'yan nalang ako, Raze."

Parang walang narinig si Raze at nilagpasan lang ang bahay namin! Nakita ko pa si Kuya Cezar na nakikipagtawanan sa babae sa tapat ng bahay namin.

I turned to Raze. Gulat at nagtatakang tiningnan ko siya. "What are you doing? Stop the car!"

Hindi siya natinag at nakita ko nalang na papunta kami sa lugar niya. Oh gosh! This is insane!

"Kuya, sa bahay muna ni Crystal. Uuwi na siya!"si Kiro na naiirita na rin.

"No one tells me what to do."malamig na ani Raze at tinigil ang sasakyan niya sa harap ng mansyon niya.

Naiinis na ako. Naiinis na ako!

Kinalas niya ang seatbelt. Si Peterson at Kiro sa likod ay nanonood sa mga nangyayari. Panay ang bulong ni Peterson kay Kiro. Naiirita na si Kiro, ramdam na ramdam ko pero wala siyang magawa at pinapanood lang ang kuya niya.

"You will unbuckle your seatbelts or I'll do it for you?"malamig na tanong ni Raze at binaba ang tingin sa seatbelts ko.

Iritado kong tinanggal ang seatbelts at padarag na binagsak. Matalim na tiningnan niya lang ako. Halatang halata sa tinginan namin na galit kami sa isa't-isa.

"I don't understand..."bulong ni Peterson at tumawa sa hindi na maipintang mukha ni Kiro.

Lumabas ako ng sasakyan niya. Ganoon din si Raze. Lalagpasan ko na sana siya para makauwi na ng hawakan niya ang braso ko.

"Ano?! Uuwi na 'ko!"iritadong sambit ko.

"You two,"baling niya sa dalawang kaibigan ko. "Make some foods. I'm starving,"malamig na aniya.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon