Chapter 30
Awa
World is a cruel place. Natulala nalang ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto.
Pinaligo ako at pinagbihis ng kaka kurampot na tela. Isang hawi lang ay makikita na ang mga bagay na hindi dapat makita.
Nakaidlip na ako sa sobrang pagod pero nagising din agad. Umasa akong panaginip lang ang lahat pero hindi pa rin.
Totoo ang nangyari sa akin.
Si Raze, niloko ako. Kaya ko siyang ilaban kung sakaling mahal niya nga ako katulad ng pagmamahal ko sa kaniya. Kahit na hindi ako gusto ng Mama niya. Kaya ko siyang ilaban.
Pero hindi. Niloloko niya lang ako. Labis ang pagkagusto kong manatili sa tabi niya dahil akala ko seryoso siya. Buong buo pa ang desisyon ko na hinding hindi ko siya lalayuan. 'Yon pala ay wala lang ako sa kaniya dahil may girlfriend siya sa Manila.
Past time lang ako.
Si Dominic. Matalik kong kaibigan na tinraydor ako. Ilang tao ang may kayang gawin sa akin 'to? Sa lahat ng taong pinagkatiwalaan ko, bakit siya pa?
Ang gulo. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung paano ko haharapin 'to. Gusto ko nalang mawala. Gusto ko nalang umalis. Gusto ko nalang takasan ang mga 'to.
"Hindi ka pa rin kumakain?"anang babaeng sumilip na ngayon sa kwarto ko.
Nagsusuklay siya ng buhok at katulad ng damit ko, ganoon din ang damit niya. Kaedad ko lang siya.
Hindi ako kumibo at nanatiling tulala.
"Bahala ka. Ikaw rin. Baka mawalan ka ng lakas mamayang gabi." Hagikhik niya.
Tumulo ang luha sa mata ko pero agad ko lang iyong pinalis.
Sawang sawa na akong umiyak. Wala ng ilalabas ang mga mata ko. Sawang sawa na ako.
"Masasanay ka rin naman, Crystal. Gan'yan din ako nung una pero sa huli, pag nahawakan mo na ang pera, masaya na!"aniya pa. "Alam mo, hindi mo madadala ang perlas mo sa hukay. Mamamatay kang virgin at mahirap o mamamatay kang pokpok pero mayaman at masaya?"
Hindi ko siya inimikan. Nagtungo siya sa salamin at pinatungan ang labi niya ng lipstick na sobra nang kapal.
"Masarap ang sex. Masarap na nga, may pera ka pa. Nakabili ako ng bahay dahil dito," Nilingon niya ako at kinindatan.
Nandidiri ako. Nandidiri ako ng sobra. Pinalis ko ang mga bagong luha na lumandas sa mata ko.
"Bago pa tayo maabutan ni Laurel dito, kumain ka na. Alam mo ang bruhilda na 'yon, pag nainis 'yon, papasuin ka ng yosi!"
Lumapit siya at umupo sa kama na inuupuan ko. Tinaas niya ang kanyang kamay at nakita ko sa maputi niyang palad ang bakas ng peklat. Maitim iyon.
"Kung ayaw mo na mangyari 'to sayo, kumain ka na. At wag kang umiyak iyak!"
Nagulat ako nang hawakan niya ang balikat ko at pinaharap ako sa kaniya. Marahan niyang pinunasan ang luha sa mata ko.
"Inah ang pangalan ko. Ganito talaga ang buhay, Crystal..."seryosong aniya at inangat ang lipstick para lagyan ako.
"Gan'yan din ako pero wala akong choice kasi mahirap lang kami. Wala kaming pera at kailangang mag-aral ng mga kapatid ko."kwento niya. "Mahirap no'ng una pero kapag nakikita ko ang mga kapatid kong halos mamatay sa gutom, nakokonsensya ako."
Tumulo ang luha sa mata ko habang tinitingnan siya. Agad niyang pinalis iyon at ngumisi ng tipid sa akin.
"Masasanay ka rin." Aniya at nilagyan ng lipstick ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...