Chapter 20

27 2 0
                                    

Chapter 20

Tili

Umuwi kami ni Raze nang papalubog na ang araw. Ayaw ko pa sana dahil sobrang ganda ng kulay kahel na langit pero sabi niya'y hindi raw maganda kung gabing gabi kami uuwi.

Of course, I know what he meant. Ang utak pa naman ni Tita Milda, masyadong advance.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Kung paano siya napunta rito at doon na umagos ang usapan namin. We talked casually. And I liked it.

Naalala ko na naman ang kamay niya sa bewang ko. Napabuntong-hininga ako. It stays there until we decided to go home. Kahit kaswal nalang ang pinag-usapan namin, nanatili ang kamay niya sa bewang ko. Inaangkin ako. Napangiti ako.

Hindi na nabalik ang usapan tungkol sa pagpapalitan namin ng phone at nakahinga ako ng maluwag dahil doon. I don't know if I should tell him those things. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Inuwi niya ako sa bahay ng ligtas. Bukas, may pasok na. Hindi niya raw ako maihahatid dahil maaga siyang aalis para magtrabaho. So independent.

Mara:

guys.

Nangunot ang noo ko sa text ni Mara. Nasa school ako ngayon. Absent si Kiro kaya kaming dalawa lang ni Peterson ang magkasama. Nakikipagtawanan si Peterson sa kaklase pa naming lalaki kaya hindi ko na siya ginulo at nag focus sa GC namin nila Mara.

Ako:

why teh

Mara:

let's catch up. i'm bored. sainyo agad, crystal. i like the view there.

Napanguso ako at naalala ang trip namin nila Peterson at Kiro. At sigurado ako, sasama si Raze.

"Peter!"tawag ko kay Peter na nakikipaghabulan doon sa kaharutan niyang kaklase namin.

Di niya ako pinansin kaya pinagmumura ko nalang siya at inis na sinuntok ang bag niya na nagpapahinga sa tabi ko.

France:

wag na kila crystal. dito naman samin

Mara:

shut up france. ano gagawin natin dyan makikipagtitigan sa aso nyo

Ako:

good timing. may plano kami mag swimming kaso hindi pwede bukas kasi may pasok. maybe some other time nalang?

Mara:

such a goody-goody na, crystal. wag ka na mag-aral, wala ka namang future

Humalakhak ako at nag-send ng GIF na nakataas ang dirty finger.

"Ano ba yun?"

Sumulpot na si Peterson sa likod ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sinilip niya ang phone ko. Sinenyasahan ko siyang umupo sa tabi ko kaya ginawa niya naman at sinilip ulit ang phone ko.

"'Yung swimming natin, ituloy natin. Nag-aaya sila Mara. Ano?"

Tumaas ang kilay niya at nakitaan ko siya ng gulat. "K-Kasama ang mga kaibigan mo?"

Tumango ako at binaba ang tingin sa phone ko nang may magchat ulit.

France:

ayaw ko sumama

"Ano raw sabi? Sino nagsabi n'yan?"si Peter na nakikidungaw sa phone ko.

Pinatunog ko ang aking dila sa pagkakairita. Anong problema na naman nito? Nung nakaraan, gustong gusto nya rito.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon