Chapter 10
Confuse
I avoided him. That's the best thing to do. Alam ko naman ang mga ginagawa niya at hindi ako tanga para hindi mapansin iyon. And I hate myself cuz I'm affected. Dapat hindi!
"Wala ka ng nakalimutan?"tanong ni Kuya sa akin at agad na tumango naman ako.
Mag eenrol na ako ngayon. Dumiretso na ako sa motor ni kuya. Sumampa na rin naman siya kaya sumampa na rin ako.
"Kuya, be careful, ha. Takot ako sa mga ganito."bulong ko.
"Mmm."tango niya at pinaandar na ang motor.
Pinili namin ni kuya iyong pinakamalapit na university. Twenty minutes ang gugugulin pag sumakay ng motor. Pag naman raw jeep, thirty minutes. Iyon na ang pinakamalapit kaya nilaban ko na.
Ayos naman ang school. BS Psychology ako at sinabi na rin sa akin ang mga rules and regulations ng school. Pwede na akong pumasok anytime. Ang dami nga lang kailangang habulin kasi na-late nga ako.
"Bakit Psychology ang kinuha mo? You can be nurse, bagay sayo. Ang puti mo pa naman."anang babae sa Registrar.
Maarteng hinawi ko ang aking buhok. "Keep that to yourself, hindi naman ikaw ang mag-aaral."pambabara ko.
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Pati ang mga nakapila sa upuan ay nagulat din pero hindi nagsalita. Hinayaan ko nalang. Siya naman ay mukhang napahiya at minadali na ang pag-aasikaso sa akin.
Alas onse na ng matapos ako. Buti nga at nakapaghintay si Kuya ng matagal.
"All set."sambit ko kay kuya Cezar at inakbayan siya. "Kain tayo pizza?"
"Your treat?"nakangisinh tanong niya.
Natawa ako at tumango nalang.
Kuya Cezar is my step brother. Naging close na kami three years ago at may connection na talaga kami kahit na umalis ako non dito sa Mindoro nang sinundo ako ni Tita Ara. He's the sweetest. Si Nica at Lester ay sinubukan kong iclose pero hindi talaga tumalab. Nica is a spoiled brat. Always have that secret competition on me. Si Lester ay barumbado. He don't know how to respect. And it sucks.
"Pag sinasabi ni Mama ang tungkol sa trabaho, wag ka pumayag."aniya at binigyan ng slice ng pizza ang plato ko.
Now that he mentioned it, tinanong ko na siya kung anong trabaho non.
"Iyon nga. Pero di mo kasi magugustuhan yun kahit na malaking opportunity siya sayo." Nakababa lang ang tingin niya sa pagkain habang sinasabi iyon.
Tumango-tango ako. "Wala rin naman akong balak."
Lagi ngang sinasabi sa akin ni Tita na magandang opportunity sa akin yun. Naisip ko rin naman na mag model at mag artista. Maganda naman ang katawan ko at hindi naman ako kapangitan. Pwedeng pwede ako doon. Pero hindi ko pa talaga gusto. Bata pa ako at nag-aaral pa. Mahihirapan ako kung magtatrabaho ako ngayon. Isang taon nalang naman at makakagraduate na ako. Ayos na yun. Maghihintay nalang.
Niyaya pa akong kumain ng ice cream ni Kuya kaya natagalan pa kami bago umuwi. Pumasok kami sa mall kaya marami-raming tao pero hindi ko akalain na maliit pala talaga ang mundo.
Nakita ko si Raze na nasa malayong banda. May kasama siyang babae. Nasa tapat sila ng boutique at nagtatawanan. Napataas ang kilay ko. Last time we talked, wala raw siyang girlfriend.
Look at him right now. Nakikipagtawanan at nakikipaglandian sa babae. Nangunot pa ang noo ko dahil hinawakan niya ang buhok ng babae at humagikhik naman iyong isa. Wew.

BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...