Chapter 32

12 1 0
                                    

Chapter 32

Impyerno

Nanginginig ang kamay ko habang nakikita ang dugo sa aking kamay. Patuloy ang pag-agos ng luha ko.

Pagod na ako. Pagod na akong tumakbo. Napadpad ako sa isang madilim na gubat. Doon muna ako nagtago.

Nilingon ko ang paligid. 'Tsaka lang sinampal sa akin ang katotohanang mag-isa talaga ako.

Mag-isa ako sa pagsubok na 'to. Mag-isa kong hinaharap. Wala akong kakampi. Iniwan na ako ng mga taong tinuring kong kakampi.

Nanikip lalo ang dibdib ko dahil sa mga naiisip. Binaba ko sa aking hita ang bag at sumandal sa malaking puno na nasa likod ko.

Hindi naman siguro mamamatay si Tita Milda dahil sa ginawa ko, 'no? Hindi naman siguro. Hindi ko naman siguro siya napatay.

Binaba ko ang tingin sa aking katawan. Sobrang dungis ko na. Naka bra at panty pa rin ako kaya nilalamig na ako.

Mabuti nalang at wala ng tao. Madilim na kasi ang gabi. Sana lang ay walang makakita sa akin na ganito ang ayos. Natakot ako sa ideyang magahasa ako dahil sa soot ko kaya minadali kong buksan ang bag at kinuha ang jacket at shorts doon.

Nagbihis ako agad. Aalis na ako. Aalis na ako ngayon. Saan naman ako pupunta?

Pag bumalik ba ako sa Manila para harapin si Tita Ara, nasa panig ko ba siya? Maniniwala ba siya sa akin?

Hindi.

Sinubukan ko ng ipaliwanag ang sarili ko sa kaniya pero wala naman siyang pinakinggan. Kung babalik ako doon, kakasabwatin niya si Papa para lang maibalik ako ng Mindoro. Ayoko na doon. Ayoko ng bumalik pa doon.

Kila Mara? Kay France? Kaya ba nila akong paniwalaan? Tutulungan ba nila ako?

Hindi. Hindi, Crystal. Si Dominic. Nagawa ka niyang traydurin. Kayang kaya nila uling gawin 'yon.

Bumuhos ang luha sa mata ko nang maalala si Dominic. Ang malungkot niyang mga tingin bago ako ibigay kay Laurel. Gano'n na ba siya ka gipit?

Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa buong buhay ko, siya ang kasama ko. Siya lagi ang tinatakbuhan ko kapag may mga bagay akong hindi masabi kila Mara.

Kaya ba galit si Mara sa kaniya? Alam ba ni Mara na gano'n siya?

Nang sa wakas ay naisuot ko na ang jacket at short, tumayo na ako. Hindi pa rin humuhupa ang luha ko sa pag-agos.

Pagod na ang katawan ko. Gusto ko nang magpahinga pero hindi ako pwedeng manatili. Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na 'to.

Alas dose na. Sana may masakyan pa ako papuntang Calapan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero katulad ng sinabi ni Inah, kailangan kong umalis ng Mindoro.

Iniwan ko ang baril sa puno na 'yon dahil ayaw kong magka aberya pa pag sumakay ako ng barko. Chineck ko pa kung may weapons pang nilagay si Inah doon.

Nang natantong wala na, 'tsaka ako umalis.

Tinabon ko ang hoodie sa aking ulo at naglakad ng mabilis. Tinanggal ko ang hoops at false eyelashes ko habang naglalakad.

Tinapon ko iyon doon. Ang makapal na lipstick sa aking labi ay pinunasan ko din gamit ang jacket. Buti, kulay itim ang jacket.

Sumakay ako ng fx paalis doon. Kada oras na lumilipas, abot-abot pa rin ang kaba ko. Gusto ko ng paliparin ang fx para lang makarating sa Calapan at makasakay ng barko.

Paano kung may nag-aabang na sa Calapan? Paano kung nandoon na ang mga kampon ni Laurel?

Sigurado akong hindi kaya nila Tita Milda ang mag hire ng tao para kuhain ako at hanapin pero si Laurel. Kayang kaya niya. Fifty million ang nawala niya dahil sa akin. Hindi pa kasama doon ang binayad niya kay Dominic. Sigurado akong hahanapin niya ako.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon