Chapter 41
Nostalgia
"Wala ba d'yan banda?"tanong ko sa lalaking staff ng beach na 'yon. Tinulungan na nila akong maghanap ngayong break time na namin.
Imbis na kumakain na ako dahil hapon na, nandito ako. Naghahanap.
"Wala, Ma'm, eh."malungkot na sambit niya.
Nanlumo ako at tumayo na. Sasabihin ko nalang kay Jael. Papalitan ko nalang. Paano kung heirloom ring 'yon? Naku, yari talaga ako!
Bumalik na ako sa cottage. Tatawagan ko nalang si Jael tungkol sa nangyari. Sana wag siya magalit.
Naabutan ko si Raze na naglapag ng plato sa upuan kung saan ako madalas pumwesto.
Abala ang lahat sa pagtingin sa mga shots ko kanina at pag-aayos ng mga gamit namin. Umangat ang tingin niya sa akin.
"Time to eat." Aniya. "You're starvimg yourself too much."
Bumuntong-hininga ako at sinunod nalang ang gusto niya. Pinanood niya akong umupo doon at harapin ang pagkain na nasa harap ko.
Napangiwi ako nang makitang puro gulay ang nasa plato. Naalala ko tuloy no'ng pinagbabaon niya ako dati ng mga gulay.
Nang makitang nakatayo pa rin siya sa harap ko at nagmamasid, tinaasan ko siya ng kilay.
Ang nakahalukipkip niyang braso ay tinanggal niya at nagpamulsa. Saglit na tiningnan lang ako tapos napakurap-kurap, nangunot ang noo tapos napatingin sa kawalan na para bang may namuong tanong sa kaniyang utak.
Walang sabi-sabi, tinalikuran niya na ako. Siguro'y nagtaka rin siya kung bakit niya ako tinititigan. Weird.
Habang kumakain, tinawagan ko na si Jael.
Siguro nasa byahe na siya papuntang Batangas o baka nasa Batangas na. Napabuntong-hininga ako at kinabahan agad sa sasabihin ko.
'Tsaka ko nalang kaya sabihin?
Bago pa magbago ang isip ko, nasagot na niya ang tawag. "Hey, Crystal. Nasa byahe palang ako. Kamusta ka d'yan?"
Tumikhim ako. Mas lalo akong kinabahan ngayong kausap siya. Paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat? Paano ko sasabihing nawala ko ang engagement ring namin?
"O-Okay lang naman..."kinakabahang sambit ko. Napalunok ako at huminga ng malalim.
"Is there something wrong, Crystal?"nag-aalala niyang tanong.
Bwisit. Alam na alam talaga niya pag may problema ako. Huminga ako ng malalim at napapikit.
"May problema ako, Jael..." Dinilat ko ang aking mga mata at naabutan ko si Raze na malamig ang tingin sa akin habang may sinasabi sa kaniya si Miss Hannah.
"Ano 'yon? Nasaang banda ka ng Palawan? Open your GPS so I can trace you. What's wrong?"sunod-sunod na tanong niya. Nahimigan ko na ang pagkakataranta sa boses niya.
Iniiwas ko ang tingin kay Raze at huminga ng malalim. Saglit na nag-isip pa ako kung ano ang sasabihin dahil parang nablanko ang utak ko dahil kay Raze.
"Crystal!"tawag ni Jael sa kabilang linya.
Tumikhim ako. "K-Kasi ano." Huminga ako ng malalim. "Nawala ko 'yong engagement ring..."mahinang sambit ko pero napalingon pa rin ang ibang kasama ko sa akin.
"What?"
Napapikit ako nang marinig ang gulat na boses ni Jael sa kabilang linya. Magagalit na siya! "S-Sorry! Hinahanap ko pa rin siya hanggang ngayon, wag kang mag-alala." Napakagat ako sa aking labi dahil sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...