Chapter 31
Escape
"Please..."umiiyak na sambit ko kay Inah.
Tumango siya at nilingon ang pintuan. "Shit, na lock ko pala."
Binuksan niya iyon at hinarap akong muli. "Ganito," Bumuntong-hininga siya.
Inayos niya ang buhok ko at marahang pinalis ang luha sa mata ko.
"Itatakas kita."bulong niya sa akin. Tumango-tango ako at nakaramdam ng pag-asa.
Ang makita ko ang nag-aalala niyang mata sa akin ay sapat na para pagkatiwalaan ko siya. Sapat na 'to para sa akin. Kahit ito nalang. Gusto kong makatakas.
Bumaba siya patungo sa ilalim ng kama at may kinuha roon. Isang bag na maliit.
Nagtungo siya sa drawer sa tabi ng kama at may kinuha doon. Mabilis ang kilos niya. Natataranta.
Nagulat ako nang maglagay siya ng baril sa bag ko. Dinampot niya ang wallet sa itaas ng drawer at inangat sa akin.
"May 10k pa ako dito. Sa'yo nalang. Tumakas ka. Umalis ka ng Mindoro."sambit niya sa akin.
Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ang taong hindi ko kilala, hindi ko kaano-ano at nagtatrabaho sa lugar na 'to ang tutulong sa akin.
"Ako ang bahala sa'yo. Basta sumama ka sa lalaking bibili sa'yo ngayong gabi."
Nilapitan niya ako at nakita ko nalang na may binigay siyang balisong sa akin. Bumaba ang tingin niya sa brassiere ko.
Muntik na akong tumili nang hilahin niya ang bra ko at doon sinuksok ang balisong.
Siya ang unang nakahawak ng boobs ko!
Bumaba ang tingin ko doon. "H-Hindi ba halata...?"
Umiling siya. "Basta 'wag kang malikot at baka mahulog."
"P-Paano pag nalaman ni Laurel?"nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Hayaan mo siya. Hindi niya ako pwedeng saktan kasi kumikita rin siya sa akin."
Dinampot niya ang bag at tinago sa likod ko. Humarap siya sa akin at nagulat nalang ako nang malakas niya akong sinampal.
Kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto.
"Napakaarte mo!"singhal sa akin ni Inah. "Magsisimula na doon, paiyak iyak ka pa rito!"
Hindi ako nakakilos agad at nanlaki ang mata sa gulat. Nanatili ang mukha ko sa gilid dahil sa malakas na pwersa ng sampal ni Inah.
Ang bilis niyang makaramdam na darating si Laurel!
"Hindi pa rin siya kumikilos?"si Laurel na sinilip kami.
"Kumikilos naman pero kasi, napakabagal! Iyak ng iyak! Gusto mo paiyakin kita lalo?"singhal pa ni Inah sa akin.
Tumawa si Laurel. "Sumunod na kayo roon sa kabila."
Sinarado na ang pinto at napahawak ako sa aking pisngi. Ang sakit ng pagkasampal ni Inah.
Nilingon ni Inah ang pintuan at dahan-dahan siyang nagtungo roon. Binuksan niya iyon at luminga-linga siya sa paligid. Sinarado niya din agad.
Bumalik siya sa harap mo.
"Naku, sorry." Hinawakan niya ang pisngi ko. "Masakit ba?"Umiling ako at pinilit na ngumiti. "P-Paano na ang gagawin ko?"
Tumikhim siya at nilingon ang pintuan. Sinisiguradong walang papasok.
"Mamaya, pag-aagawan ka ng mga customers. Sigurado akong milyon ang ipapatong sa ulo mo para lang makasama ka sa gabing 'to." Huminga siya ng malalim. "Sasama ka doon sa lalaki. Si Laurel ang maghahatid sa'yo. Sa oras na 'yon, nasa paligid lang ako."
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...