Chapter 36

13 1 0
                                        

Chapter 36

Game Over

Sa bandang dulo ng hall, wala ng masyadong tao. I don't know where's the powder room. Wala naman akong pakialam basta gusto kong itago ang sarili ko. Gusto kong umiyak.

Ang bigat bigat. I am very hurt. Pakiramdam ko'y hindi na ako titigil sa pag-iyak hanggang mamaya.

Kiro seems so worried. Raze seems mad and maybe jealous. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin.

Bakit siya umaaktong gano'n? I saw him last time, he's with the other girl. Masaya na siya sa iba pero bakit siya umaaktong apektado pa rin sa akin?

Bumuhos pa lalo ang luha ko nang maalala ang panloloko niya. He's a jerk. He can be always looked jealous and yet he can still lie! He can still act as if he truly cares. Manloloko.

"Crystal."

Napatalon ako at kumaripas sa pagtibok ang puso ko sa mababang boses ni Raze sa likod ko. Agad ko siyang nilingon at nanlaki ang mata ko nang nakumpirmang sinundan niya nga ako.

Muntikan na akong matumba dahil sa panghihina ng aking tuhod nang humakbang siya palapit. Nanginginig na umatras ako. Nilingon ko ang likod niya at walang bakas na tao doon. Kami lang ang nasa bahaging ito ng hall.

"Why are you panicking? I am just going to congratulate you." Tumaas ang kilay niya at bumaba ang tingin sa aking leeg.

Nanlaki ang mata ko. I hate confrontation. Ayoko na. Bubuhos lang lalo ang emosyon sa akin. I am still vulnerable. I can't bear with this. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya.

"T-Thank you." Halos hindi marinig ang boses ko dahil sa sobrang hina.

Ilang hakbang nalang ang layo niya sa akin at para akong mawawalan ng hininga. Napalunok ako. Pilit iwinawaksi ang pagbabara ng lalamunan at pagbabanta ng luha sa akin. I need to be strong. Crystal, please.

"What happened?" Galit at sakit ang tono niya.

Nagulat ako doon.

Humakbang siya ulit palapit. "I waited for you for two long fucking years just to be invited with this stupid engagement party?"hasik niya. "Anong nangyari, Crystal?"

Pumasada ang sakit at lungkot sa mga mata niya habang titig na titig sa akin. Hinahalukay niya ang mga mata ko sa pamamagitan ng titig. Naghahanap ng emosyon na maaaring maging sagot sa mga tanong na matagal ng nakabaon sa kaniya.

Hindi ako nakapagsalita. I am lost of words. I know he lied. I know he fooled me. I know he two-timed me. Pero bakit parang totoo? Bakit mukha siyang nasasaktan? Bakit parang makatotohanan masyado?

"Bakit ganito?"

Lalo akong nagulantang nang tumulo ang luha sa mata niya. Bumigat ang nararamdaman ko. Raze is crying. My man is crying. He's crying for me. Why does it feel so real? I don't understand. I don't fucking understand.

"Nung mga panahong kasama mo ba ako, siya ang nakikita mo, Crystal?"

Humakbang siya palapit.

Nagsunod-sunod ang luha ko dahil sa narinig. It feels so real. It hurts so bad. Knowing that I am hurting him. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt. Ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot sa kaniya. Hindi ko alam at hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.

"Fuck."he muttered a curse and aggressively wiped his tears. "You asked for a break up over the phone. Baby, I am very confused."

Para akong natunaw nang nasa harap ko na siya mismo. Kayang kaya na niya akong hawakan. And I'm sure I will surely lost myself when she touched me. Wala na akong pag-asa. Malulunod ako lalo sa kaniya.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon