Chapter 13

24 2 0
                                    

Chapter 13

Phone Call

Hinatid na ako ni Raze pagtapos kong magpahinga roon at kumain. Kasama pa rin namin sila Kiro nang hinatid niya ako kasi uuwi na rin daw sila.

"Give me your number,"

What now? Iritado kong tiningnan si Raze. "Bakit naman?"

Pababa na ako ng kotse niya pero dahil nag-uumpisa na naman, binalik ko sa pagkakasandal ang likod ko sa back rest.

"Hindi ko alam kung saan nagpupunta minsan si Kiro. I'll call you so I can check him out."

What a reason. "Nand'yan naman si Peter."

"Nah."nilingon niya si Peter. Kumindat naman ito sa kaniya samantalang inirapan naman niya 'to. "Loyal yan kay Kiro."

Ngumuso ako. "Loyal din ako kay Kiro."

"What?"iritadong sambit niya na para bang mali ang tunog non sa kaniya.

Gusto ko mang humalakhak ay kinagat ko nalang ang labi ko at umiling. Dinukot ko nalang ang phone ko. Sige na nga.

Walang imik kong binigay sa kaniya ang phone ko samantalang siya'y salubong pa rin ang kilay. Napangisi tuloy ako kaya iniwas ko nalang ang tingin sa kaniya at nilingon ang bahay namin.

Pinaltik paltik ni Kiro ang kaniyang dila na para bang dismayado. "We really need to talk about this, Crystal."

Humalakhak si Peter. "Inggitero, walang love life!"

Sinamaan siya ni Kiro ng tingin at pabirong sinapak ang braso ni Peter. Kaya ayun, nagsapakan sila sa likod. Ang haharot.

"I'll text you. Don't ever ignore my messages. Pupuntahan kita rito pag di ka nagreply."mahinang ani Raze na para bang ayaw niyang marinig ng dalawa ang pinag-uusapan namin.

"Okay, playboy." Irap ko.

Nilingon ko ang dalawa. "Boy, baba na ako."

Natigil sila sa harutan at nilingon ako. "Maaga ka papasok?"si Peter.

Tumango ako. "Sa library lang ako bukas mga alas singko."

"Nice, dalhan kita breakfast ulit?"si Kiro.

Pumalakpak ako at excited na tumango-tango. Bumaba na ako agad at kinawayan ulit sila.

What a day. Sobrang nakakapagod na araw na 'to para sa akin.

"Nandito na ako,"matamlay na sambit ko.

Nilingon ko ang sala at nakita doon si Kuya Cezar na natatawa sa kaniyang phone. Umangat ang tingin niya sa akin, may ngisi pa rin dahil sa tinitingnan niya sa cellphone niya.

"Ba't ang aga mo?"tanong niya at bumaba ang tingin sa damit ko. "Bakit hindi ka naka-uniform?"

Nagkibit-balikat ako at pagod na umupo sa couch katabi siya. "May nambully kasi sa akin kanina."kwento ko. "Kaya ayun, kinailangan ko magpalit ng damit."

Ngayon, hinarap niya na ang buong katawan sa akin. "Sinong nambully sayo?"

Umiling ako at natatawang ginulo ang buhok niya. "Wala yun. Kakausapin naman na ng mga kaibigan ko bukas. Wala na yun!"

Bakit napapalibutan ako ng mga thoughtful at mababait na lalaki? Si Kuya Cezar, si Kiro at Peter, si Dominic. Ang mga ka-skate ko. Si... uhm... Raze? Parang no.

Ginawa ko ang mga homework ko at nag-advance study na rin. Tinamaan lang ng pagsuko nang mag alas nueve. Humikab ako at nagdesisyong lumabas para matawagan sila Mara.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon