Chapter 2

28 4 0
                                    

CHAPTER 2

Plate Number

Naiiyak ako sa inis dahil sa nangyari. Parang gusto ko na tuloy bumalik ng Manila! Ayoko na dito, mga pangit ang tao.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi, ano ka ba? Wala ka pa ngang isang linggo na nandyaan!"sermon ni Tita Ara nang sinabi kong ayaw ko na doon at uuwi nalang ako.

"Ayoko rito, Tita. Ang sasama nila rito–"

Namatay na ang linya. "Bullshit."bulong ko sa hangin.

Inunat ko ang aking leeg at nagpasyang pumasok nalang ng bahay. Hindi na ako lalabas ulit! Hindi na talaga!

Hindi pa rin natuloy ang balak kong pagkukulong dahil nga sa sinabi ni Kuya Cezar. May handaan nga kasi doon sa kakilala niya. Sinabi niyang babayaran niya nalang daw ako kaya pumabor naman ako. Mag-iipon na ako ng pera paalis rito.

"Maraming mababait dito, pwede mong maging kaibigan."ani Kuya Cezar.

Napaismid ako. Mababait ba yun? Biglang nambabato ng bola.

Maingay ang napuntahan namin. Ang dami kasing tao. Tingin ko'y naghahanda palang sila. Alas sais palang kasi. Bumuga ako ng malalim na hininga at kinumbinsi ang sarili na kailangan kong magpakabait muna. 'Wag muna magtaray, Crystal. Kailangan mong magkaroon ng kaibigan rito. Kahit isa lang!

"Cezar!"sigaw ng babae doon. Kumaway-kaway at malawak ang ngisi.

Ngumisi lang din si Kuya Cezar. "Tara, doon tayo sa loob."

Tumango lang ako at sinundan siyang pumasok sa loob ng bahay. Puno ng tawanan at asaran ang labas ng bahay na yun at sa loob din. Basta ang daming tao! Sabi'y birthday daw eh. Akala ko fiesta kasi iyon ang sinabi ni Papa. Pero malapit na rin daw kasi ang fiesta.

"Girlfriend mo, 'Zar?"

"Kapatid ko yan, tanga."tatawa-tawang ani Kuya nang pumasok kami sa kusina at ang dami ring tao roon!

"Pakilala mo kami!"

Nilingon ko ang lalaki. Palakaibigan siyang ngumisi. Ako naman ay pilit na ngumisi rin, nanginginig pa ang labi ko nang ginawa iyon.

Pinakilala ako ni Kuya Cezar sa mga taong nandoon. Hindi ko na maalala ang mga pangalan nila kaya puro ngising hilaw lang ang binibigay ko.

"

Start na tayo."ani Kuya kaya nagsimula na nga kami.

Gumawa kami ng leche flan. Sobrang tuwa ng mga nanonood at pinupuri ako dahil marunong akong magluto. Nakakataba ng puso ang mga papuri nila kaya kahit papaano, sumaya ako.

Pati coffee jelly ay gumawa kami.  Buti nalang rin at mabilis kumilos si Kuya at hindi kami nahirapan.

"Graham cake po kaya? Gusto n'yo?"suhestiyon ko.

"Hala, be? Marunong ka?"tanong ng bakla na nandoon din sa kusina at nagluluto ng pancit.

"O-Opo..."sambit ko at ngumisi.

"Wow naman! P'wede ka magtrabaho rito. Naku! Sideline rin yan, hija."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig at nilingon siya. "Talaga po? Gusto ko po iyon!"

"Magpaalam ka muna kay Papa, Crystal. Baka hindi siya pumayag."ani Kuya na abala sa paghahalo.

Tumango ako. "Tatanungin ko siya mamaya!"

"Pwede ka sa mga Harmozo. May catering business kasi sila doon. P'wede kang makisali. Patok yun dito kasi araw-araw dito, may handaan. Lalo na sa kabilang baryo."anang matandang babae na abala ngayon sa paghuhugas ng plato.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon