Chapter 11

22 2 0
                                        

Chapter 11

Jersey

Linggo rin na yun, nagdesisyon akong umpisahan na ang klase. Alas singko palang ay gising na ako at naliligo na habang tulog na tulog pa ang mga kasama ko sa bahay.

Humikab ako at binuksan ang aking phone. Good thing, may signal pag ganitong oras. Sinuklay ko ang basa ko pang buhok at sinubukang tawagan ang mga kaibigan.

"Hi! Where are you?"tanong ko nang sagutin ni Mara ang tawag pero naka-off naman ang camera.

"She's asleep."

Halos mahulog ko ang phone nang marinig ang boses ng lalaki. Nanlaki ang mata ko. Bakit may kasama siyang lalaki nang ganitong oras?

Naalala ko ang tanong niya nung nakaraan. Compliment pag nalibugan ang lalaki? Oh gosh. Don't tell me they already do it?

Agad ko nang pinatay ang tawag at napasapo sa aking noo. Oh my, Mara. Wag naman sana. Ayoko pa maging ninang.

Nasa isip ko yun hanggang sa umalis ako nang bahay. Sa aming tatlo nila France, ako na ang pinaka malala. Ako ang liberated sa lagay na 'to. Ako ang may kayang makipag-usap sa lalaki. Lumandi pag gusto ko at makipaglaro ng apoy sa iba na talagang madalang lang mangyari sa buong buhay ko.

Pero sa kanila?

Mara is almost the same level as I am pero hindi niya rin kaya. Minsan ay sinasabi niya pang hindi raw niya kayang makipag sex sa lalaki dahil natatakot siya sa mga susunod na mangyayari. She's very distance on boys pero takot siya manreject kaya minsan, pinapatulan niya kahit hindi niya gusto para lang hindi masaktan sa panrereject niya. But in the end of the day, siya pa rin ang masasaktan. That's so stupid of her, right?

Don't tell me... ginawa niya iyon dahil ayaw niyang ireject yung lalaki? What if. What if the guy asked for sex and then maybe she can't reject the guy kaya nakipagsex siya?

Oh damn. No.

Tinitigan ko ang schedule ko. Alas sais palang. May 30 mins pa ako bago magsimula ang klase.

Bumuntong-hininga ako at ginugol ang huling oras para magtanong kung saan ang building na papasukan ko. Malaki ang school na yun at talagang nakakahilo ngayong hindi pa ako pamilyar sa lugar.

6:20AM ay nasa loob na ako ng room at tahimik na nakaupo lang. Maraming nakatitig sa akin dahil nga transferee ako at hindi nila ako kilala. Nahihinuha ko na ngang marami agad ang naiinis sa akin ngayon dito.

Titig palang nila at tawanan ay alam na alam ko na. Kinagat ko ang aking labi at napabuntong-hininga nalang. I just wish... hindi ako ma-expel sa unang araw ko rito.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. Nagchat lang pala si France sa GC namin.

France:

akala ko may maide-date na ako sa 14 putang ina naiinis ako

Ako:

bakit ba kasi umaasa ka pa

Si France ang pinakamailap talaga sa lalaki pero mahilig siyang maghanap ng pogi. Pero hanggang doon lang iyon. Kung kakausapin siya, matu-turn off siya kaagad. Gusto niya yung may challenge. Isa palang ang naging boyfriend niya at three days lang ang tinagal non. Naaasiwa raw kasi siya.

France:

ayaw niya sa akin kasi di kami same ng music taste amputa gago kala ata wala akong puke kasi di kami same ng music taste hahajajaja lol

Humalakhak ako dahil sa sinabi niya.
Magrereply pa sana ako pero dumating na ang prof namin. Maayos ang first day ko. Sa awa ng Diyos, walang nag-ahas na manggulo sa akin. Nakikita ko lang ang mga pag-ismid at pagtawa ng ilan sa mga babae kong kaklase pag tinitingnan ako. Okay lang. Hindi naman ako napipikon sa mga ganon.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon