Chapter 25

16 1 0
                                    

Chapter 25

Inlove

"Text me."sambit ko kay Raze nang pababa na ako sa sasakyan.

Nawala na ang mga pagpapakipot at pagdududa ko kay Raze. Maybe I'll just take risk. If he plays, then okay, I'll moved on. Kahit na alam kong mahihirapan ako sa parteng 'yon. Time would heal everything. If he takes me seriously, then jackpot.

"No. I'll call you."sambit niya. May pag-aalala sa mga mata niya dahil sa naging reaksyon ko ngayon ngayon lang.

I wonder what he's thinking. Baka iniisip niya na ex-boyfriend ko 'yon at hindi pa ako nakaka move on. He'll surely get mad.

Ngumisi ako sa kaniya. "Hihintayin ko."

Nakitaan ko ng pagkamangha ang mata niya habang nakatingin sa akin. He smiled. Walang halong sarkasmo at pang-aasar.

Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siyang sinserong nakangisi. He's very good-looking. The feeling looks true. The emotion is blazing and I can't help but to admire those.

Ang sarap tingnan ng taong malalim ang titig sa taong minamahal. Ang sarap tingnan ni Raze na punong puno ng pagkahumaling ang mga mata.

Hindi ko lang alam kung totoo 'yon.

Sinulyapan ko ang orasan at nakitang 5:20 na. Nilingon ko siya ulit at ngumisi.

"Bababa na ako."

May panghihinayang ang mata niya at hindi nagsalita. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero naka lock pa rin 'yon.

Nilingon ko si Raze. May pagtataka sa aking mata. "Raze. The door..."

"Can you..."he sighed. Nahihirapan sa kung ano. He swallowed hard and close his eyes tightly.

Naghintay ako sa sasabihin niya at tumunganga lang doon.

Nang buksan niyang muli ang mata ay nagtama ang mata namin at sumalubong agad ang namumungay niyang mata. "Can you... skip going to the library just for today?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ang mukha niya at ang mga mata niya'y parang nangingiusap.

I don't mind. I would love to stay here with him!

"O-Okay lang, Raze. Sige."

Pinanood ko ang reaksyon niya. He's tired and unpleased with something. Hindi ko alam kung ano iyon.

Humarap siya sa akin. Lalo akong napatitig sa mata niya. I never imagined myself being a slave of someone's gaze. Pakiramdam ko'y sa bawat pagtingin ko sa mga mata niya, handa akong ilaan ang buong sarili ko.

"Is there something wrong?"he worriedly asked. Kinabahan ako sa tinanong niya.

Suminghap siya at kinuha ang mga kamay ko. Pinanood ko ang daliri niyang inangkin iyon.

My heart raced. Ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog niya. Gusto ng kumawala.

"I hate to see your eyes... shines with tears..."he admitted. "Ngayon ko lang nakitang ganoon ang mata mo habang tinitingnan ako. Tell me, is there something wrong? Don't you want this setup? D'you want to take everything slow, baby?"nagsusumamong tanong niya.

Another side of Raze Harmozo. He's so calm and gentle. Hindi ko maiwasang purihin lalo siya. Can you be a less perfect, Raze?

He handled it well. Kumalma ang puso ko sa ideyang nag-aalala siya. His eyes says it all. Ang mga mata niyang nangingiusap. Ang mga salita niya. Do you really like me, Raze? Are you into me? How?

Ngumisi ako ng tipid at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "I'm sorry."sambit ko. "Everything's fine. I am contented with what we have right now. Okay lang sa akin. You didn't do anything wrong... Sorry for making you worried."

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon