Chapter 47
Fantasy
"Ang talino talaga."pagpaparinig ko kay Raze nang buksan niya ang pinto.
Nilingon ko ang secretary niya. Ngumisi ito sa akin ng tipid at nagmadaling maglakad patungo sa pinto para makalabas.
Si Raze ay nagtungo sa kaniyang mesa at tiningnan ang mga papel na nakalagay doon.
I scanned his office. May bookshelf sa bandang dulo tapos may maliit na fridge din doon. Umupo ako sa couch kaharap ng kaniyang table. Nilapag niya ang mga papel at nagtungo sa banda ko.
"Marami ka pa yatang gagawin."puna ko.
Umupo siya sa tabi ko. Kumalabog ang puso ko nang angkinin niya ang bewang ko at mabilis na nailapit ako sa kaniya.
"What happened? Who's Tita Ara?"tanong niya.
Napakurap-kurap ako. Halos makalimutan ko na ang tungkol doon dahil sa presensya niya. Bumuntong-hininga ako at hinayaan siyang malapit sa akin. Hindi ko nalang siya binalingan at diniretso lang ang tingin.
"Iyong kumupkop sa akin simula no'ng mamatay si Mama. Si Tita Ara. Kasama niya si Sir Jarbo. 'Yong business man na sinabing kabit daw niya ako..."
"Oh."utas niya. "Yeah, I remember his name. Jarbo Guavano?"
Tumango ako sa kaniya habang siya'y may inisip saglit. "That Jarbo is pervert."aniya. "Maybe we should talk to them. What do you think?"
Umiling ako. "N-Natatakot ako. Baka... Baka kunin ako."
Marahang hinaplos niya ang buhok ko. "You don't have to. That man doesn't have a power to lay his finger on you. Ubos na ang ari-arian nila. Bagsak na ang kompanya nila."
Tiningnan ko siya. "You know him?"
Tumango siya at pinasadahan ng dila ang kaniyang labi. "Mama told me you're a mistress so I investigated. 'Yong Jarbo na 'yun mismo ang nagkuha sa'yo ng mga larawan para mai-edit at magmukhang siya nga ang lalaking kasama mo palagi."sambit niya. "Gustong makawala sa asawa niya na kaibigan ni Mama. Si Gracia. That's why Mama been mad to you that time. Of course, she's on her best friend's side."
Napanganga ako sa sinabi niya. Nag-imbistiga siya. Naalala ko ang sinabi ni Jael dati. Posible kayang siya 'yong tao na nagpost ng mga original pics para malinis ang pangalan ko?
Kaya pala galit na galit sa akin si Mrs. Ybañez. Wala silang alam ni Mrs. Guavano. Mali pa rin. Naalala ko ang mga death threat sa akin ni Mrs. Guavano. Hays.
"Pa'no mo nalaman na siya ang nagkuha sa akin ng mga litrato na 'yon?"tanong ko. "At pa'no mo nalaman na bumagsak na ang kompanya niya?"
"I ivestigated, Crystal." He turned to me. "At binili ko ang assets nila." Nagkibit-balikat siya. Nanlaki ang mata ko.
"W-What?!"gulat na sambit ko.
"Yeah. I am pissed. Nalaman kong pinlano niyang ikaw ang palabasin na kabit niya. I bought all his fucking assets. Dukha na siya ngayon."
Lalo lang akong nagulantang sa sinabi niya habang siya'y parang bagot na bagot sa pinag-uusapan namin.
"Y-You bought his assets cuz you're pissed?"manghang tumawa ako. "Nakakatakot ka naman magalit, Raze Harmozo."
He just smirked and kissed my forehead. "I can do more when it comes to you."
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin sa kaniya. "Ikaw rin ba ang naglinis sa pangalan ko dati? No'ng nag rant si Gracia Guavano tungkol sa akin?"

BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...