Chapter 8
Lucky Charm
Pinisil ko ang stress ball sa aking kamay at huminga ng malalim. Nilingon ko si Raze na ngayo'y nakatitig lang sa madilim na karagatan.
"H-Hindi ka pa ba uuwi?"naiilang na tanong ko.
Humupa na ang pag-iyak ko at kalmado na rin ang mga hikbi ko. Pati ang bigat sa dibdib ko'y medyo nabawasan na rin. Tulala nalang ako ngayon.
"Ikaw?"
I turned to him. Agad akong nailang at nag-iwas agad ng tingin.
"Uuwi na."sambit ko kahit na ayaw ko pang umuwi.
"You should. Cezar can't sleep. Hinahanap ka."aniya pa at naunang tumayo.
Tiningala ko siya at naglahad naman siya ng kamay sa akin. Tinitigan ko saglit ang kamay niya pero tinanggap ko rin naman at tumayo.
Agad ko ring binitawan ang kamay niya nang makaayos ako ng tayo. Nilahad ko sa kaniya ang stress ball. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya dahil sa pagkailang. Hindi ko alam kung bakit.
"Sa'yo na yan."sambit niya at naunang maglakad.
Napakamot ako sa aking batok at sinundan na siya.
Hinatid niya ako sa bahay at sa labas ng gate ay tumambad sa amin si Kuya Cezar. Nag-aalala ang mukha niya. Nagpasalamat siya kay Raze at iginaya na ako papasok. Nagpaiwan sila doon sa labas.
Siguro'y pag-uusapan kung saan ako nanggaling. Bumuntong-hininga nalang ako at nagpasyang pumasok nalang para matulog.
"Crystal!"
Nagising ako sa tawag ni Kuya Cezar alas otso na ng umaga. Masaya ang mukha niya nang gisingin ako. May hawak pa siyang bola.
"Sama kang liga ngayon. Sige na!"
Napaupo ako sa kama at takhang tiningnan siya. "A-Ayoko, kuya. Inaantok pa ako..."
"Sige na!"aniya at hinatak ang kamay ko.
I groaned. Nagpabigat pa ako para hindi niya ako mahatak pero nagawa niya pa rin akong patayuin.
"Para hindi ka na nakatengga lang rito. 'Tsaka walang magchi-cheer sa akin kaya sige na, maligo ka na."
"Kuya, ayoko nga doon. Baka mapaaway na naman ako."
"Kinausap na ni Raze iyong mga nakaaway mo, hindi na yun manggugulo!"
Huh? Kinausap ni Raze?
"Eh kahit na kuya–"
Hindi na ako nakapalag nang itulak niya ako sa banyo. Humalakhak pa siya bago isara ang pinto. Napakamot ako sa aking batok.
Is it okay?
Pagtapos ng nangyari kagabi, okay na ba na kausapin ko si Raze ng kaswal o... iwasan ko pa rin siya?
Why am I avoiding him, by the way? Masyado akong nabwisit sa kaniya. Kasi iyong Thea na yun. Iyon ang naaalala ko. Tapos inaasar niya ako lagi.
Suot ko ay isang simpleng t-shirt at shorts. Nagsusuklay na ako ng buhok nang lumabas ako ng kwarto.
"Kuya, nandoon ba si Raze–"tanong ko na agad na naputol dahil tumambad na agad si Raze sa harap ko paglabas na paglabas ko.
Nagulat siya sa tanong ko at sumilay agad ang ngisi sa labi habang ako'y nanlalaki ang mata.
"Shit."bulong ko at agad na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong binagsak ang pintuan at napasapo sa aking noo.
Ba't ang aga niya naman dito? At bakit siya nandito? Kasama niya ba si Kuya? O baka... baka nandito siya para sa akin?
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...