Chapter 14
Valentine
"There she is!" Peterson shouted.
Nilingon ko siya at tinigil ang pagsipsip sa aking shake. Binaba ko ang shake at tumayo na. Sa likod niya ay si Kiro. Si Raze naman ay nasa loob pa rin ng sasakyan. Mukhang aalis din sila agad.
Kumaway ako sa kanila at malawak na ngumisi.
"S-Sino yan?"tanong ni France.
"Daming lalaki ni Crystal."biro ni Mara.
Tumayo ako sa blanket na kinauupuan namin ni Mara at sinalubong ang dalawa. 'Tsaka ko lang napansin na may dala silang roses at paper bags. Ngumisi si Kiro sa akin at inabot sa akin ang rosas.
"Happy Valentine's."aniya. "Wala ka pang boyfriend kaya ako muna ang magbibigay sayo para hindi ka mukhang kawawa."
Ngumuso ako dahil sa sinabi niya at tinanggap ang binigay niya. Ngumisi rin agad at maliit ang boses na sinabi ang "Thank you."
"O, ayan! Ikaw ang unang babae na pinagbigyan ko ng bulaklak."si Peterson na padabog na inabot sa akin ang bulaklak na para bang masama ang loob.
Humalakhak ako at tinanggap iyon. "Grabe, sobrang sweet mo naman Peter."sarkastikong sambit ko.
Ngumisi siya ng malawak sa akin at naglahad ng braso kaya niyakap ko siya. Natanaw ko si Raze na madilim ang tingin kaya nginisian ko siya at kumaway habang yakap pa rin si Peterson.
"Sino yung babaeng naka-stripe?"bulong ni Peter.
Sinubukan ko siyang lingunin pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. Napamura ako at malakas na humalakhak. Si Kiro ay napakamot ang ulo at dinamba kami pareho at nakisali sa yakapan namin. Kaya ang nangyari, nagyayakapan kaming tatlo.
"Si France."sagot ko sa tanong niya at humalakhak dahil naiipit na ako.
"Sinong France?"si Kiro na walang alam sa topic namin.
Pinandilatan siya ng mata ni Peterson. "Wag ka nga maingay, maririnig tayo!"
Ohhh. Nilingon ko si France na ngayo'y abala sa pagtutuhog ng barbecue sa stick. Binalik ko ang tingin kay Peterson na may nanunuyang tingin.
"Bakit?"usisa ko. "Crush mo?"
Umiling siya at tumawa. "Pamilyar kasi."aniya lang at nagkibit-balikat.
Hinawakan ko ang braso nila. "Pakilala ko kayo sa kanila!"
Agad namang hinablot ni Peterson ang kaniyang braso na para bang takot na takot sa sinabi ko. Si Kiro naman ay nakangisi na, mukhang balak pa landiin ang dalawa kong kaibigan.
"Ayoko! Kayo nalang."si Peterson at hinawi ang buhok niya pataas.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. An'yare dito? Ipapakilala lang naman.
"Makikipagkilala lang!"singhal ko at sinubukang hilahin ang kamay niya.
"Hayaan mo na siya, Crystal! Ako nalang."ngisi ni Kiro at binasa ang kaniyang labi. "Para wala akong karibal..."bulong pa ni Kiro na pinarinig talaga kay Peterson.
Humalakhak ako at piningot ang tenga niya. "Wag ang mga kaibigan ko, taken na yan."
Sinubukang magsalita ni Peterson pero tinikom nalang niya ang bunganga niya. Lumapit siya sa amin. Inangat niya ang braso sa akin na para bang nagpapahila na.
"O, kunwari hinihila mo ako."si Peterson na iritado pa rin ang mukha.
Nagkatinginan kami ni Kiro. Mukhang parehas na nawi-weirduhan kay Peterson. Nakangiwi kong binalik kay Peter ang tingin. Si Kiro ay pinagkibit-balikat nalang iyon at niyaya na ako sa dalawa kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...