Epilogue

53 4 14
                                    

Epilogue

"Who's that?" I raised my eyebrow.

Tinanaw ko ang babae na umiiyak at mabagal na naglalakad ngayon dito sa palayan. Nakataas ang dalawang braso niya. Pinipilit na balansehin ang sarili dahil kung hindi, mahuhulog ang paa niya sa putik.

"Oh?"si Priscilla at tinanaw ang babae. "Ba't umiiyak?" Hinila niya ang braso ko. "Baka mamaya aswang 'yan. Manaksak bigla. Tara na!"tili niya pero hindi ako gumalaw at nanatili ang tingin sa babae.

She's wearing a white dress and flat sandals. Magulo ang buhok niyang hanggang dibdib ang haba. Pinaliit ko ang mata ko para mas makita ang hitsura niya.

Napanguso ako at humalukipkip. She looked like an angel. Pero bakit siya umiiyak?

Umangat ang tingin niya sa akin. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat pero nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya. Para akong magkaka-heart attack sa tingin nitong babae na 'to.

Napataas ang kilay ko nang pagkunutan niya ako ng noo. She gave me a 'what-are-you-looking-at-look'. Napangisi ako at nalibang sa panonood sa kaniya.

"Sino 'yan?"si Fernan sa gilid ko.

Hindi tinanggal ng babae ang mata sa akin at masama pa rin ang tingin. At dahil nawawala na siya sa focus, natapilok siya at nahulog ang isang paa niya sa putikan.

Impit na tumawa ako. Nadumihan ang puti niyang dress. Nakaawang na ang labi niya at mukhang gulat sa nangyari. Inayos niya agad ang sarili niya at hindi na nag-angat ng tingin sa akin.

"Where is she going?"natatawang tanong ko. "Who would dare to walk here with a white dress? Stupid."bulong bulong ko at hinayaan ang babae na makawala na sa paningin ko dahil mabilis na itong naglakad palayo.

Dinuyan ko nalang ang sarili ko at tinapik ang katabing duyan habang nakatingin kay Priscilla. Pinapabalik siya sa pwesto.

"She's creepy, 'no? Baka atakihin ka no'n kasi tinawanan mo siya."ani Priscilla at tumawa.

I smirked at that. "Baka ako ang mang-atake sa kaniya."

I find her attractive, really. Nang ipukol niya ng isang beses ang mata sa akin, hinintay ko na ulit ang iba pang pagkakataon na makita ko ulit siya. Is it consider as a crush? Lol. Crush? She looked young. Baka mamaya twelve years old lang ang bata na 'yon.

"Yon 'yung babae sa palayan last week diba?"si Fernan habang nasa tapat kami ng bahay nila Cezar. Hininto ko ang bike at nilingon ang tinuro niya.

Nakita ko nga doon ang babae. She's wearing a loose white shirt and shorts. I kind of envied how she looked like a goddess with those loose white shirt. Hindi ko na naitanggal ang titig sa kaniya.

'Tsaka ko lang natanto na umiiyak na naman siya. Umiling-iling siya at nakita ko nalang na may humatak sa kaniya palabas ng gate. Nanlaki ang mata ko at akmang lalapitan para tulungan siya nang hawakan ako ni Greg sa braso.

"Ba't ka lalapit? Away pamilya 'yan, bro."

Umiling ako. "Lalapit lang ako doon sa bench para makinig."sambit ko at hinawi ang kamay niya.

Lito nila akong tiningnan pero wala naman silang nagawa nang iwan ko ang bike doon at umupo sa bench na malapit. Kinuha ko ang phone sa aking bulsa para magkunwaring abala. What the fuck am I doing, by the way?

"Tita!" Iyak ng babae.

A sudden loudness of beat happens inside my chest when I heard his crying voice. Inangat ko ang tingin sa basang basa niyang mata pababa sa kaniyang pisngi. Why the hell are you crying so bad, baby?

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon