Chapter 4
I Don't Like
Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun, umuwi na ako sa amin. Sinabi lang naman niya na kailangan kong makisama ng maayos kasi kung lagi daw akong makikipag-away, tatanggalin niya raw ako.
Bukas agad pwede na akong magstart. Nasurpresa din ako kasi malaki-laki ang sahod at partida, araw-araw pa yun. Kahit mga isang linggo lang akong magtrabaho rito'y pwedeng pwede na ako lumuwas.
"Kamusta ang araw mo rito, Crystal? May naging kaibigan ka na ba?"tanong ni Papa sa amin nang sabay-sabay kaming magbreakfast.
Umiling ako. "Wala pa po pero may mga nakilala na ako. Si Kakay, Priscilla... pati po iyong si Raze at mga kaibigan niya."
Napainom ako ng tubig dahil nagulat sila sa huling sinabi ko tungkol kay Raze. Parang 'di nila inexpect na makikilala ko ang lalaki na yun. Bakit kaya? Is there something special about him?
"Mabuti iyan. Makipagkaibigan ka kay Priscilla kasi mabait na bata yun."aniya pa at nilingon si Kuya Cezar.
Sumang-ayon si Kuya at pati si Papa. Nagtanong pa sila tungkol sa sideline nga na papasukan ko at sinabi ko namang magsisimula na ako mamayang alas syete. Ang aga ko talaga nagising para sa trabaho ngayon. Minsan ay alas dies ako nagising, buti nalang ay nag-alarm ako.
"Ang sipag din talaga ni Raze, 'no?"ani Tita Milda.
Naalala ko iyong nakita ko siya ng unang beses, nagbubunot ng damo. Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain habang nag-iisip ng malalim. Sa unang tingin, hindi siya halatang mayaman. As a matter of fact, mukha lang siyang average guy. But if you stare at his face, medyo magdadalawang-isip ka. He have that intense brooding eyes. Kapag tiningnan mo ay talagang mapapayuko ka kasi supladong suplado.
You don't want to met that gaze of him. I'm telling you. It's real dangerous. Kapag tumingin ka sa mukha niya, hindi mo na iisipin ang estado niya sa buhay. You'll probably just admire him. Yes, I find him really attractive kaso naaalibadbaran ako sa suplado niyang hitsura. Ayaw ko ng ganoon. Lalo na iyong sinasampal sa aking naiinis siya. Mas naiinis ako sayo!
"Aalis na ako, Kuya."paalam ko kay kuya para pumunta na doon kina Raze.
Doon daw ang kitaan nila palagi. Sa kubo na iyon ang hintayan. Pagkadating ko, nandoon na si Kakay pati ang dalawang babae na kaedad ko. May dalawang lalaki na rin na nasa loob ng maliit na truck at inaayos ang mga kakailanganin.
"Nandito ka na pala, Crystal. Tara na sa kusina."ani Kakay at agad na bumaba ng kubo.
"Saan... tayo?"
Hinila niya ako patungo sa likod ng mansiyon at nakita kong may maliit na kwarto doon. Nakita kong nandoon ang mga matandang babae at mga mas bata sa akin. 'Tsaka ko napagtanto na kusina pala ito. Dito sila naghahanda.
Napahanga ako dahil ganito ang ginawa ni Raze. Ano kaya ang sinabi ng parents niya? Pumayag naman kaya?
"Strikto si Sir Raze sa pagkilos, Crystal. Ayaw niya ng mabagal kaya magsimula na tayo."
Nakita ko ang pagkataranta ni Kakay kaya nahiya ako at kumilos na agad. Kinuha ko ang hairnet at nagtali na agad ng buhok. Umunat ako sa aking braso. Okay, let's start.
Lumarga na sila Raze paalis kasama ang truck. Ganoon daw iyon kasi sisimulan na ang pag-assemble ng venue. Nagulat pa nga ako kasi kasama si Raze pero hindi ko naman na tinanong at hinayaan nalang.
Gumawa kami ni Kakay ng dalawang putahe ng dessert. Natuwa pa siya kasi ang bilis kong kumilos at ang linis. Minsanan ko siyang nasisigawan dahil mali mali ang ginagawa niya pero hindi naman niya dinadamdam.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...