Chapter 24
Scared
"What was that?"tanong ko kay Raze nang nasa tapat na kami ng bahay.
Nagkibit-balikat siya. "Leave it to them. Matatanda na sila."
"Still, I want to know. Kahit kaunting detalye lang, Raze."
Saglit na tumitig siya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kwintas ko at huminga ng malalim.
"Czarina cheated. Two timing and... uh... your brother is fine with that set up. Uno is kinda obsessed with her. Natatakot ako para sa kanilang dalawa."
Kinagat ko ang aking labi at tumango-tango. "Hindi naman siguro aabot sa punto na magiging bayolente ang lalaki na yun kahit na obsessed siya kay Czarina diba?"
"That's what I'm thinking. Baka umabot pa sa gano'n. Wag naman sana."
Kinabahan ako dahil doon. Siguro naman hindi kaya iyong gawin ng Uno na yun, 'no?
I will take note of that name. Uno.
Nagpaalam na ako kay Raze para makapasok. Antok na antok na rin kasi ako. Kahit sinabi niyang magtetext siya pagkauwi ay hindi ko na iyon chineck dahil sa sobrang pagod.
Nakatulog ako agad at kahit papaano ay nakabawi naman ako sa tulog.
Raze:
Already asleep?
Natanggap kong text galing kay Raze 'tsaka dalawang missed calls.
Bumuntong-hininga ako nang maalala na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko na iyon naalala dahil sa sobrang pagod at natulugan nalang. Ang dami palang naganap kahapon at ngayon lang nag-sink in lahat.
"Hay nako, Rey! Puro ka kasi invest, puro ka invest. Anong nangyari ngayon? Wala ka na! Maba-bankrupt na ang kompanya mo. Hindi pa nga lumalago ay maba-bankrupt na, diyos ko!"
Tuluyan na akong umupo sa kama nang marinig ang ingay sa labas. Seriously? Alas kuatro palang ng umaga at ngayon nila naisipang mag-away?
"Milda, alam ko ang ginagawa ko. Wag ka mag-alala dahil gan'yan talaga sa umpisa–"
"Gan'yan sa umpisa. Ilang taon 'yang umpisa mo?! Simula pa nung mamatay 'yang si Krisel, nagkanda-leche leche na!"
Agad akong tumayo para lumabas. Babala na lang rin kay Tita Milda na gising ako at nakikinig. They shouldn't talk shit about my mother. Wala akong pakialam kung asawa siya ni Papa at baka sungalngalin ko siya.
"Ayusin mo 'yan, Rey. Ang dami nating utang. Ayusin mo! 'Yang anak mo, kumbinsihin mo ng magtrabaho–"
Binuksan ko ang pintuan at sumilip sa kanila. Katapat ng kwarto ko ang daan papuntang kusina at kitang-kita nila ako kung bubuksan ko ang pintuan.
Malamig na tumingin ako kay Tita Milda at kay Papa. Si Papa ay kalmadong inayos ang salamin sa kaniyang mata samantalang si Tita Milda ay pulang pula sa galit.
"Good morning."bati ko at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.
"You up so early, hija. Alas sais pa ang pasok mo diba?"si Papa.
Tumango ako at sinilip ang bintana. "Alas singko po ako umaalis kasi nag-aadvance study ako sa library."
Tamad na inunat ko ang braso ko at nilingon si Tita Milda na madilim pa rin ang mukha. Halatang marami pang sabihin pero hindi mailabas dahil nandito ako.
Malaki ang respeto ko kay Tita. Oo, nagagalit ako sa kaniya noon. Inakala kong siya ang sumira ng relasyon ni Papa at Mama pero mali ako. Si Papa ang may pinakamaling pagkakamali.
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...