Chapter 21

14 1 0
                                    

Chapter 21

Distance

Bumuhos ang luha ko habang naglalakad. Ayoko na nito. Nanliligaw palang siya. Nanliligaw palang siya!

Kanina palang ba sa kotse niya, inisip nya ng ayaw niya na sa akin? Kaya gano'n nalang? Kaya hahayaan niya na kung anuman ang maramdaman ko?

Ang sakit sakit. Pwede naman niyang sabihin! Hindi naman ako magdadamdam!

Mabibigat ang hakbang ko patungo pabalik sa bahay. Patuloy ang pag-agos ng luha ko dahil rin siguro sa dinulot ng alak sa sistema ko.

Ang mga ngisi niya doon sa babae. Partida, ex niya yun. Ex niya yon!

What can I expect? Noon pa man, talagang ganyan na siya. Talagang nabulag lang ako dahil sa mga kilos niya. Dahil sa mga salita niya.

Bumuhos pa lalo ang luha ko dahil sa matindihing selos at inis.

Naiinis ako kay Raze. Naiinis ako sa ginagawa niya. Naiinis ako sa nasasaktan ako ngayon. Naiinis ako kasi kayang kaya niya akong saktan sa mga ginagawa niya. Sobra sobra akong naaapektuhan!

Isang hablot sa aking braso paharap at tumambad sa akin si Raze. Nanlaki ang mata ko at agad binawi ang braso sa hawak niya.

Nagkaroon ng kaunting saya ang puso ko dahil nandito siya. Sinundan niya ako. Pero agad din yung nawala nang maalala ko ang ginawa niya kanina.

Marahas kong pinalis ang luha sa mata ko at tatalikuran sana siya nang hawakan niya ulit ang braso ko.

"Now, you're mad?"

Manghang tiningnan ko siya. "I'm not! Bitawan mo ako!"

"Bakit ka nagagalit? Bakit ka umiiyak?" May paghahamon sa mga mata niya.

"Hindi ako galit! At hindi ikaw ang iniiyakan ko!"sigaw ko at sinubukang kumawala sa hawak niya.

Sarkastiko siyang ngumisi. "You're really confusing me now. Ano bang gusto mo?"tanong niya. "You don't want to announce us. Nang manahimik ako, nagagalit ka pa rin. What do you want me to do?"

Bumuhos pa lalo ang luha sa mata ko. Pinanood niya yun na dumaloy sa pisngi ko. May pagkagulat sa mata niya pero mas nangingibabaw pa rin ang dilim non.

"W-Wala. Wag ka na manligaw." Iyak ko at binagsak ang tingin sa aking braso na hawak niya.

"Bakit? Dahil kay Peter?"

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. What the fuck?

Sa galit ko'y malakas kong tinulak ang dibdib niya. Lumala ang pag-iyak ko.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan. Ikaw nga ang malandi!" Sumakit ang lalamunan ko dahil sa malakas kong sigaw.

Tumaas ang kilay niya. Nanghahamon. Hindi natitinag sa pagsigaw ko.

Wala na akong pakialam kung makaistorbo ako basta maisigaw ko lahat ng ito sa kaniya dahil kung hindi, baka umiyak lang ako magdamag.

"May Priscilla at Thea ka na–!"

"They are just my friend–" Pinutol ko siya.

"Fuck friends!"mura ko. "You don't tell me they're just your friend kasi nakikita ko. Nakikita at naririnig ko ang mga usap usapan tungkol sainyo. Tapos ngayon, Jessy? Jessy!"

Malakas ko ulit siyang tinulak sa kaniyang dibdib para makalayo siya pero hindi siya natinag. Ako pa ang halos mapaatras dahil sa malakas kong pagtulak sa kaniya.

Bahagyang nakakunot ang noo niya at sinusuri ako habang patuloy ang pagbuhos ng luha ko.

Bumigat ang paghinga ko dahil sa malakas na pagsigaw. Dagdag pa ng paghikbi ko. Tumigil ako at hinabol ang hininga. Tumitig ako sa dibdib niya habang may panibagong luhang lumalandas sa mata ko.

Curse In The FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon