Published na 'to sa dati kong account sa Aiwwwa, pero ipa-publish ko ulit dito kasi hindi siya in order doon 'tsaka hindi ko na siya ma open. So, yeah. Enjoy.
_____
PROLOGUE
"Sino ba yung sumugod dito kanina at sinabing kabit ka raw, Crystal, ha?"sigaw ni Tita Ara sa akin na halos ikahulog ko sa couch.
Bumagsak ang pintuan dahil sa malakas niyang pagsara. Agad akong napatayo at hinarap siya. Alam ko naman nang makakarating sa kaniya ang tungkol rito pero hindi ko alam na ganoon kabilis! Grabeng pakpak talaga ang mayroon sa mga balita.
I sighed. "Naniniwala ka ba doon, Tita?"
Tumagal ang titig niya sa akin. Hindi alam ang sasabihin. Nag-iwas ako ng tingin at marahang hinawi ang hanggang balikat kong buhok.
"Hindi ko alam."aniya, nakapikit na ngayon at hinihilot ang kaniyang sentido. "Pero alam kong kaya mong gawin iyon!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya dahil sa pagkagulat. Sa lahat ng tao'y sa kaniya ko pa maririnig na naniniwala siya?!
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Crystal. Hindi mo ako masisisi kung ganito ang iisipin ko tungkol sa'yo. Papalit-palit ka ng lalaki–"
"Hindi naman po."sambit ko. Naooffend na. "Puro chismis lang naman iyon. Wala naman akong nagiging boyfriend, eh. Iniisip lang nila."
"Eh, kasi. Puro lalaki ang mga kaibigan mo. Nakakasama mo. 'Wag mo nga akong paandaran, ako mismo nakita ko. Yumayakap ka sa lalaki."
Nanlumo ako sa mga sinabi niya. Oo, naintindihan ko naman kung ganiyan ang iisipin ng iba pero ang marinig ito galing kay Tita Ara ay masakit na sa akin. Lumaganap ang chismis tungkol sa akin pero wala siyang sinabi. Ngayon lang. Kaya akala ko, nasa panig ko siya.
'Tsaka ang mga sinasabi niyang lalaki ay mga kaibigan ko lang. Oo tama nga't marami akong kaibigan na lalaki at niyayakap ko sila at hinahalikan sa pisngi pero wala lang iyon. Friendly kiss lang iyon.
"Akala mo rin hindi ko nakikita ang mga death threat na binibigay at ini-email sa'yo ng asawa ng lalaking kinakalantari mo, ha? Hindi ako papayag na dahil lang sa kalandian mong 'yan, eh, mamamatay ka!"nangilid ang luha ni Tita Ara at inis na napamura.
Hindi na ako halos makapagsalita. Kinagat ko ang aking labi at pinilit na wag mamuo ang luha sa mata ko kahit na nagsisimula ng magbara ang lalamunan ko.
Hindi ko naman talaga kabit ang lalaki na yun. Kasalanan ko bang siya ang lumalapit sa akin? Nilayuan ko na nga siya at sinabi kong hindi ako pumapatol sa may asawa. And for fuck's sake, he's already 54 years old!
Akala ko'y wala lang ang mga paglapit ko at pagkikita namin dahil binebentahan ko lang naman siya ng mga paninda ko. Hindi ko naman akalain na iisipin ng marami na kabit ako. Eh, paano kasi. Nag-iisip rin siya ng ganoon. Isang buwan ko na nga siyang nilalayuan pero hindi pa rin mamatay-matay ang issue na iyon!
"Bumalik ka na lang sa tatay mo, hija. Ayoko na ng ganito. Hindi ko kakayanin kung may mangyari sayo rito sa puder ko. Umuwi ka na roon sa Mindoro at tinext ko na ang tatay mo tungkol rito."
Hindi ako nagsalita at nanatili ang tingin sa kaniya. Saglit siyang tumitig sa akin na para bang nahihirapan siya sa akin. Alam ko naman na nag-aalala lang siya pero nalulungkot talaga ako.
"Seryoso ka ba d'yan, Tita?"nabasag ang boses ko at nangilid agad ang luha sa mata ko.
Ayaw ko doon. Bukod sa mamimiss ko siya pati ang mga kaibigan ko, ayoko sa tatay ko! Wala siyang kwenta pati ang bago niyang asawa. Ayoko roon at hindi ako makakatiis. Okay lang sa akin kung patayin ako ng asawa ni Sir Jarbo kaysa pumunta ako roon!
BINABASA MO ANG
Curse In The Fantasy
RomanceCrystal Fey Valdez. Isang babaeng lumaki sa syudad ng Maynila. She's strong, carefree and unbreakable woman. Aalis sa lugar na puno ng panghuhusga at tutungo sa lugar na inakalang ligtas siya. Raze Harmozo. A man who's responsible, hardworking and a...