Chapter 1

956 23 4
                                    

Familiar

"Isabelle! Isabelle! Na'ndiyan ka ba, Ineng? May importante lang akong sasabihin sa 'yo!"

Iyon agad ang narinig ko pagkabukas pa lamang ng mga mata ko. Kaya naman tumayo na agad ako sa hinihigaan ko.

"Sino po ba iyan?!" I asked the person who's outside of my house.

"Ako ito si Maribet, pasensiya na, nabulabog yata kita, Ineng!" she said and still shouting.

Napakatinis talaga ng boses ni Aling Maribet, baka pati kapitbahay ay mabulabog niya sa sobrang lakas ng boses niya.

Kahit wala pa sa wisyo at nahihilo pa ay sinikap kong maglakad pupunta sa kusina.

"Teka lang po!" I shouted at her too.

Kaya dali-dali naman akong nag hilamos at nag sipilyo. Pagkatapos ko'y, agaran ko namang binuksan ang pintuan. Para pagbuksan ito at papasukin.

"Bakit po kayo napapunta rito nang sobrang aga, Aling Maribet? Tuloy po muna kayo."

Pumasok naman ito, iniwan ang tsinelas sa labas ng bahay. Sumunod naman ako sa kaniya na umupo na sa kawayang upuan na meron lang dito sa bahay na 'to.

"Nako, Ineng. Hindi na 'ko mag papaligoy-ligoy pa. Ito kasing bahay na inuupahan niyo nang namayapa mong Lola Lucresia ay ipinagbili na ng may-ari. Ay nako, wala na akong magagawa pa. At ngayon na rin kasi lilipat 'yong bumili nito. Nako, pasensiya kana, Ineng, ngayon ko lang din kasi nalaman. Dapat ay wala kana rito pagkarating nila. Ito kasi ang habilin ng amo ko sa 'kin," she explained, and there's a sadness on her tone now.

Napakagat labi ako sa sinabi nito. Bakit naman agad-agaran ang pag-alis ko rito?

"Paano na po ako ngayon niyan, Aling Maribet? Wala pa naman po akong matutuluyan mamaya. Maayos naman po akong magbayad. At nagbayad na po ako sa inyo ng dalawang buwan. Hindi na po ba ito maaayos pa?" I asked her and my voice is now shaking.

"Hindi na talaga, Isabelle. Pero 'yong perang ipinambayad mo sa akin ay ibabalik ko sa 'yo. Maghanap ka na lang muna ng bago mong mapag-lilipatan," lintaya niya sa akin.

"May mga kilala ka bang mga kaibigan mo na puwedeng mong puntahan muna? Para naman mayroon kang matutuluyan pansamantala. Si Manay Telda kaya? Kaibigan naman 'yon ng Lola mo," she added.

I shook my head on her. Ayokong mang-abala pa sa kanila. Malaki na rin ang naitulong nito sa akin.

"Wala po akong mga kaibigan o malalapit na kapamilya rito Aling Maribet, 'yong nag-iisa ko naman pong kaibigan ay nasa Negros Occidental, 'yong apo po ni Lola Telda. Nakakahiya na rin po sa matanda. At hindi ko naman po puwedeng istorbuhin si Angela," wika ko naman.

She sighed after that. "Hmm, mayroon naman akong kakilala, na puwede mong paglilipatan, kaya lang ay nasa Maynila pa ito. At sa pagkakaalam ko umalis kana rin daw roon sa pina-pasukan mong karinderya. At bakit, Ineng?" she asked me, while chewing her bubble gum on her mouth.

"Ah, ayon po ba mag hahanap po sana ako nang maayos na trabaho. Hindi naman po sapat 'yong perang kinikita ko sa karinderya, para po sa araw-araw ko na gastusin at bayarin," I answered her, but still my head are spinning now.

Nahihilo ako kakaisip kong saan ako tutuloy mamayang gabi. Mag hotel na lang kaya ako, o kung saang mumurahin na in. Puwede rin sa karinderya na dating kong pinapasukan, pero nakakahiya naman at wala rin doong space para makatulog ako.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon