Marianne Therese
Humiwalay naman ako sa pagkakayakap niya sa akin at tiningnan ito ng may pagkalito sa aking mga mata.
Hindi ko alam ang itatanong ko kay Javier. Bakit nasabi na lamang ni Angela na kuya ko siya.
Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Javier. At nakita ko naman sa mga mata nito ang pamumuo nang kaniyang mga luha.
Kaya naman kaagaran nitong pinunasan ang mga mata at ngumiti sa akin.
"I thought, you're not waking up again. You made me so worried." He said wearily.
Hindi naman ako nagsalita at nakita ko na lang si Angela na lumabas sa silid na ito, kaya kaming dalawa na lamang ni Javier ang naiwan dito sa loob.
"Therese, are you okay?" He asked me worriedly.
Tumango naman ako sa kaniya, pero hindi ko man lang masubukang ngumiti sa kaniya at tingnan siya sa kaniyang mga mata.
'Halos apat na buwan ako natulog? Nasaan si Rafael? Nakauwi na ba ito? Hinahanap kaya ako nito? Iyan na naman ang pumapasok sa isipan ko ngayon. At hindi ko pa rin makalimutan ang narinig ko sa kabilang linyang iyon at ang boses ni Ms. Ellaina na umuungol, dahil sa sarap na nadarama. Paranf kahapon lang nangyari iyon at sariwang-sariwa pa rin iyon sa tenga ko.'
‘Kung kapatid ko si Javier, kapatid ko rin ba ang babaeng iyon. Litong-lito na ako. Mabuti na lang at hindi na sumasakit ang ulo ko at parang maayos na ako sa lagay na ito. Ano ang ginawa nila sa ilang buwan kong pagtulog? May ginagawa ba sila, para mapabuti na ang lagay ko, kasama si baby?’
‘Ayos lang ba kaming dalawa ni baby? Hindi na ba lumalala ang sakit ko? Hindi ba ito makaka apekto sa anak ko?’
Sobrang dami nang tanong na pumapasok sa isipan ko. At hindi pa rin mawala-wala si Rafael doon. 'Kumusta na kaya siya? Okay lang ba siya? Magkasama pa rin ba sila ni Ms. Ellaina?'
"Rafael..." Hindi ko na mamalayang tinatawag ko naman ang pangalan niya at tumutulo na naman mga luha ko.
Napatingin naman ako kay Javier at lungkot din ang namumutawi sa mga mata nito habang pinupunasan ang mga luha kong hindi na tumitigil sa kaka-iyak.
"Stop crying now, Therese. Makakasama ito sa 'yo." Pagpapatahan nito sa akin.
"Si Rafael...?" Sa wakas ay natanong ko narin ito kay Javier.
"Do you want to know, where's Rafael right now, Therese?" He asked me confusedly.
Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti. Pinunasan ulit nito ang luha kong hindi pa rin tapos sa pag-iyak. At nginitian din ako nito at hinalikan sa tuktok ng aking ulo.
"Rafael, is miserable right now, Therese." He sighed.
Napa-buntong hininga rin naman ako ngayon at hinawakan ang tiyan kong malaki na.
Tumingin lang ako sa kaniya, at tumango para sabihin na ipagpatuloy niya ang kaniyang sasabihin.
"Hinanap ka niya pagkarating dito sa Pilipinas. I called him through Kuya Joaquins’ phone, when you missing for two days. But he arrived so late. We thought you'll sleep for the whole night that time, pero natulog ka for almost 4 months. But before you sleep you said that you don't want see Rafael at 'wag naming sabihin sa kaniya ang sakit mo at kung nasaan ka. And he arrived that night para hanapin ka kaagad. Umalis din kami rito ni Angela, para hindi manghinala si Rafael sa amin." Huminga naman ito bago muli magpatuloy sa pagkukwento.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...