I love you
Lumabas ang may ari ng sasakyang iyon at ang tumambad sa amin ay si Jaeros.
Tumayo naman si Angela para salubungin ang kaniyang pinsan at niyakap ito.
Ang dalawang lalaki naman ay nakakunot na ang mga noo, dahil hindi pa naman nila kilala si Jaeros. Siguro nagtataka ang mga ito kung sino ba ang bagong dating.
Tumayo rin ako, para batiin siya. May pinagsamahan naman kaming dalawa, kaya hindi naman puwedeng hindi ko ito batiin.
"Eros, anong ginagawa mo rito?" I asked him, confusedly.
Hindi naman siya nakaka-abala, nakakagulat lang dahil busy ito sa hospital, pati nakakatuwa rin na makita siya sa birthday ko.
"Isabelle, happy birthday. I visit here because I know na pupunta ka rito, dahil birthday mo at ibibigay na rin ang cellphone mong naiwan sa bahay. By the way happy birthday," he said joyfully.
Niyakap naman ako nito nang sobrang higpit. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya tinapik ko na lang ang kaniyang likod. Hindi naman matagal ang pagyayakapan namin, dahil ako na ang unang kumalas dito.
Hinarap naman namin ang dalawang lalaking nasa likuran namin, at ayon nakakamatay na ang kanilang mga tingin sa amin. Wala namang problema kung magtatagal muna rito si Jaeros lalo na't pinsan ito ni Angela at kaibigan ko rin ito. Tumayo naman silang dalawa sa mat at lumapit sa amin.
Hindi ko alam, kung sino ang mag papakilala kay Jaeros, dahil ilang sigundo pa ang nakalipas ng wala pang may nagsalita sa aming lima. Para bang nakikiramdaman muna kami sa isa't isa pero si Angela na ang nagpakilala kay Jaeros sa dalawang lalaki.
"This is Jaeros, my cousin. And Eros, these are Javier and Rafael."
Nag tinginan muna silang tatlo. Si Jaeros naman ay nakangiti na sa dalawa. Inilahad nito ang kaniyang kamay kay Javier para makipag shakes hand, mabuti't tinanggap naman ito ng isa. Ang huli naman ay si Rafael, na iba pa rin ang tingin dito. Nag shakes hand naman silang dalawa, pero parang may iba akong nararamdaman sa pagitan nilang dalawa.
"I'm Rafael, the boyfriend of Therese," Rafael said in baritone.
Napasinghap naman si Angela, na para bang hindi ito makapaniwala.
"When? Where? How?!" she asked confusedly, while exclaiming.
Bumitaw naman ang dalawa sa kanilang pag shi-shakes hand. Si Rafael naman ay inakbayan ako. Na tumitingin pa rin kay Jaeros, si Jaeros naman ay parang wala lang ito sa kaniya at nginitian lang ako. At si Javier naman ay humalakhak pa, na para bang nasisiyahan ito sa narinig na balita.
"Isabelle. Answer me," she said in commanding tone.
"Hehehe... Puwede bang mamaya na kami mag papaliwanag ni Rafael?" I asked her nervously.
Si Rafael naman ay tumawa lang at hinalikan ako malapit sa sintido ko, habang naka akbay pa rin ito sa akin.
"Eros, sumabay ka ng kumain sa amin. At thank you pala sa pagdala ng cellphone ko, kaya pala hindi ko mahanap," I said looking at him.
"Oo nga, marami kaming biniling pagkain," sang-ayon naman ni Angela sa akin.
Hindi naman ito makatanggi, dahil sa sinabi ng kaniyang pinsan.
"Is it okay with them?" he asked, na tinutukoy ang dalawang lalaki.
Tumango naman ako sa kaniya, kahit na hindi ko na tinanong pa sina Rafael. Pangit naman kasi kung hindi aalukin si Jaeros, pati siya na nga itong nagambala ko.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...