Chapter 15

392 11 0
                                    

Know

Nang sinabi kong hindi na ako aalis ay niyakap niya ako nang sobrang higpit na para bang ayaw niya na akong mawala pa sa kaniya.

Napangiti ako nang palihim, nakakatuwa na may isang tao na gustong-gusto ako sa buhay niya at may taong takot na mawala ako.

Ngyon nakikita ko ang isang katauhan ni Rafael. Parang siyang isang bata na ayaw paalisin ang kaniyang ina. Napapatawa na lang ako sa iniisip ko, kung ba't naman napaka-raming pumapasok sa utak ko.

"Rafael," I called him while still hugging him.

"Hindi na ako comfortable sa pwesto natin ngayon. Sumasakit na ang paa ko. Puwede na ba tayong tumayo?" I asked him, dahil nga sa nangangawit na ako sa naging pwesto namin.

Tumayo naman ito at bigla na lang akong nagulat ng binuhat ako ng pang bridal style. Kaya hindi ko tuloy mapigilan na tumili sa ginawa nito.

"Rafael, put me down," I told him while laughing now

E, kasi naman may kiliti ako sa may bandang hita ko. Hindi lang hita, pati na sa lahat ng katawan ko. Kanina naman ay hindi ako naka-ramdam ng kiliti nang binuhat niya ako kanina, dahil sa sakit na naramdaman sa pananabunot ni Ms. Ellaina at sa pintig ng ulo ko. Pero ngayon iba na, kasi nasa wisyo na 'ko.

Ngayon naman ay biglang nag iba ang sensasiyon na nararamdaman ko. Pagkarating namin sa may sala, iniupo niya kaagad ako sa couch. At tinitigan na naman ako ng may mapanuri sa kaniyang mga mata.

Para bang walang nangyaring eksena sa aming dalawa. Lumapit pa ito sa harapan ko, bago siya magsalita.

"Don't do that again, Therese. Let me handle my problems with Ellaina. She knows, what can I do to her. Just please don't leave me again," he said frustratedly.

Kahit hindi pa kami, feel ko sa sarili ko parang kami na rin sa sitwasiyong ito. Sa mga salita pa lamang nito, mahuhulog ka na talaga nang lubusan. Pa'no pa kaya pagkami na. Siguro hindi ko na rin muna iisipan  lahat ng mga sinabi ni Ms. Ellaina. Tanga na kung tanga, wala e, nahulog ako sa patibong ni Rafael. Hulog na hulog aki na hindi ko na alam kung paano bumangon o tumayo man lang. Mahirap nga talaga pag puso na ang pinapa-iral, dahil ito palagi ang nananalo.

Napatango na lang ako sa mga sinabi niya. Na hi-hypnotized na naman tuloy ako sa mga titig nito ngayon. Ngumiti na lamang ako habang siya ay kita pa rin ang pagka frustrated sa mukha at pangamba.

"Oo," tamang sambit ko na lang.

Ilang minutong katahimikan, tanging ulan at ang ugong ng aircon lang ang bumabalot sa apat na sulok ng penthouse na ito.

Kailan kaya matatapos itong ulan? Gusto ko na ring umuwi sa apartment, dahil wala rin naman akong damit dito.

"Rafael, ihatid mo na ako sa apartment ko. Wala na akong damit dito at...," napahinto naman ako sa sasabihin ko, dahil nga wala rin akong kasuotan na pang loob. Nang maisip ko iyon ay namula kaagad ang mukha ko. Kaya napaisod ako ng kaunti sa upuan kahit nasa harapan ko naman si Rafael.

"At? What it's, Therese?" he asked me while smirking, parang alam na nito ang kasunod.

Mabuti na lang at parang naging mahinahon na ang mood nito ngayon.

"Alam mo na 'yon. Kaya ihatid mo na ako sa apartment ko. At baka dumating na si Tita Fina. Nako lagot ako."

Hindi naman ito nagsalita at walang sabi-sabi na pumunta sa kaniyang kwarto, pagkalabas ay may dala-dala na ngayong sampung malalaking paper bag. Kaya nagtaka naman ako. Tapos ang tatak pa ng mga paper bag na hawak niya ay puros mga mamahalin.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon