Yes!
Ngayon ay linggo, walang pasok sa opisina at maganda ang panahon ngayon. At ngayon lang mas naging maganda ang gising ko, dahil feeling ko sobrang kompleto ko ngayong araw na ito.
Yes, It's my birthday today. My 22nd birthday at ngayon ko na rin sasabihin kay Rafael ang hinihingi nitong malaking OO sa akin.
Nakahiga pa rin ako ngayon dito sa kama at wala na sa tabihan ko si Rafael. It was my three days here, staying at the penthouse of Rafael. Kahapon ay wala kaming ginawa kun'di na'ndito lang sa kaniyang penthouse.
Gusto niya mang umalis kami, pero ayoko. Hindi ko alam, tinatamad ang aking katawan, wala namang masakit sa akin. Mabuti na lang din at hindi na sumasakit ang ulo ko. Baka gusto ko lang talaga magpahinga, kaya tamad na tamad akong lumabas kahapon. Kaya nanood na lang kami rito at kumain.
Si Angela nga ang nag-uwi rito ng mga gamit ko. Kasama naman nito si Javier na siyang pinag-dala ng isang maleta at isang bag. Feel ko may tinatago talaga silang dalawa, halata namang magkakilala na sila noon pa. Aso't pusa lang talaga sila, bagay silang dalawa kung tutuusin. Maganda si Angela, matangkad, kaya lang ay may pagka-sadista ang babaitang iyon. Si Javier naman wala ka rin namang maipipintas dito, dahil sobrang gwapo nito. Siguro nga nasa kaniya na rin ang lahat.
Tatayo na sana ako ng may bilang bumukas ng pintuan at narinig ko ang boses ni Angela na kumakanta ng happy birthday. May dala itong maliit na cake at nasindihan na rin ang kandila. Sa likod naman nito ay si Javier na nakangiti lang sa akin. Hinanap ko naman si Rafael at napangiti naman ako, dahil nakita ko itong may hawak na isang bouquet of flowers.
Mas lalo akong sumaya sa araw na ito. At gusto kong umiyak, dahil sa saya na namumuot sa aking puso ngayon. For almost 9 years na mag bi-birthday ako, minsan ay hindi ko na ito binibigyan nang pansin. Pupunta lang ako sa puntod ni Lola Lucresia, pagkatapos ay kasama ko lang si Angela at mag sisimba kami. Sa kada birthday ko, parang ordinaryong araw lang iyon. But today is very new for me and special. Seeing their smiles, make my heart pumped into enjoyment.
Hindi ko alam na lumuluha na pala ako, dahil sa tuwa. Pinunasan naman ito ni Rafael at inilahad ang dala-dala niyang bulaklak para sa akin. Hinalikan din ako nito sa noo.
"Why are you crying, Therese?" Javier asked me.
Tiningnan ko naman siya at nakita ko sa mga mata nito ang saya, lungkot at pighati. Halo-halong emosiyon ang nakikita ko ngayon sa kaniya. Katabi niya si Angela na hawak-hawak pa rin ang maliit na cake.
"Tears of joy," naiiyak pero natutuwa kong sabi.
Tumawa naman silang lahat sa akin.
"Isabelle, blow your candle now at matutunaw na ito," sambit naman ni Angela at inilapit na sa akin ang cake na hawak-hawak niya.
"But before that, make your wish," she added.
Pumikit naman ako para mag wish. 'Sana lahat ng mga hinahangad ko sa buhay ay matupad na.' I whispered.
Pagkatapos ko ngang mag wish ay blinow ko na ang candle. It's a simple cake, na may nakalagay na 'Happy Birthday Therese Isabelle'.
"Thank you sa inyo, feel ko buong-buo ako ngayon," sabay punas ng mga luha ko.
"I never been surprised like this. Kaya thank you sa inyo," I added.
Hinalikan naman ako sa pisngi ni Angela. Si Javier naman ay ginulo lang ang aking buhok. At si Rafael na nakangiti lang ito sa akin at hinalikan ulit ako nito sa aking noo.
Tumayo naman ako sa kama at niyakap sila isa-isa. Pero nagtagal ang yakap ko kay Rafael. Gusto kong hindi na matapos ang araw na ito. Gusto kong kasama ko na lang siya palagi. Pero hindi naman iyon puwede.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...