Chapter 11

380 13 0
                                    

Allergy

Naimulat ko naman ang mga mata ko. Masikip pa rin ang paghinga ko pero hindi na ito katulad ng kanina. Napa-ayos ako ng upo galing sa pagkakahiga, dahil hindi ako pamilyar kung nasaan ako ngayon. Hindi naman ito ospital, baka naman  nasa bahay pa rin ako ng mga Gutierrez.

Napatingin naman ako sa pintuan, dahil bumukas ito at tumambad sa akin ang napaka-gandang asawa ni sir Joaquin, napaka simple lang nito, kahit sa pananamit ay hindi masiyadong magarbo. At karga-karga nito ang kaniyang anak na si Teo. Lumapit naman ito sa akin na nakangiti.

"Gising kana pala! Maayos na ba ang pakiramdam mo? Mabuti na lang agad kang na cpr ni Rafael, dahil hindi kana humihinga. Mabuti na lang din malapit lang sa village na ito ang family doctor namin. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wait lang ha tatawagin ko na muna sila para masabi na gising kana," mahabang pahayag nito sa akin at lumabas.

Cini-pr ako ni Rafael? Baka kung ano na lang maging reaksiyon ni Ms. Ellaina dahil doon. May itatanong pa sana ako sa asawa ni sir Joaquin, kaya lang ay umalis naman agad ito.

Ilang segundo lang ay napatampal na naman ako sa noo ko, dahil ngayon ko lang na realize na may allergy pala ako sa gatas. May gatas ang kinain kong salad at maja. Bakit hindi ba 'ko nag-iingat? Siguro dahil na rin na sobrang kabado ko at mga mayayaman ang nasa paligid ko.

Noon pa man hindi na ko kumakain ng pagkain na may halong gatas o kaya kahit gatas na inumin. Dahil noong bata ako ay isinugod din ako ni Lola Lucresia sa ospital dahil doon, kahit na ayaw kong  pumunta sa ospital. Pero no choice si Lola Lucresia, dahil hindi na rin ako makahinga that time.

Tumayo naman ako at umalis sa higaan. Inayos ko na rin iyon. Pero hindi naman nag tagal ay dumating na nga silang lahat. Kaya napatingin naman ako sa kanilang lahat.

"What are you doing, Hija? You're still weak. Bumalik ka sa hinihigaan mo," rinig kong sabi ng mama ni Rafael.

"Ano po, ayos na po ako...," mahina kong sambit, pero ramdam pa ang panghihina at init sa katawan ko.

Kaya lang ay pumunta kaagad ang doktor sa akin at ibinalik ako sa kama at tinanong kung may masama pa ba akong nararamdaman. Sinabi ko naman lahat sa kaniya at pina-inom naman ako nito ng gamot. Wala akong nagawa dahil narito silang lahat, nanonood sa akin.

Nakaramdam ako ng hiya sa kanilang lahat. Nasira ko ang party ni Ms. Ellaina dahil sa katangahan ko. Bakit kasi ngayon pa. Hindi ko tuloy alam ang gagawin o sasabihin man lang sa kanila. Matiyaga lang silang nakatingin sa akin at tahimik. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip nilang lahat. Kasalanan ko kung bakit naabala silang lahat ngayong gabi.

Lumapit naman si sir Javier sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mukha niya o hindi. Naka busangot ito na lumalapit sa akin at tiningnan din kung masama pa ba ang pakiramdam ko. May bahid din na pag-alala sa mukha nito.

Si Rafael naman ay napansin kong nasa pintuan at nakatingin lang sa akin nang napakalalim, para bang nilulunod na naman ako nito. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil sa eksenang nagawa ko o hindi. Pero nag papasalamat din ako sa first aid na ginawa niya para sa 'kin.

"I'm sorry of what I caused to you. Hindi ko alam na may allergy ka pala sa gatas. Sana ay hindi na lang kita pinakain kanina. I'm sorry again, because of me, muntikan ka pang malagay sa panganib," he said, blaming himself.

Hindi ko naman, alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Naandito silang lahat sa loob, ang mga mag asawang Gutierrez at Lacson. Si sir Joaquin na katabi ang kaniyang asawa at si Ms. Ellaina na malapit sa pwesto ni Rafael at nakatitig lang din ito sa akin.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon