First Kiss
Ngayon ay lunes na, sobrang kabado ng dibdib ko, dahil hindi ko alam kung paano ko ba haharapin si Rafael. Bakit ba gano'n ang pakikitungo niya sa akin, para bang kilala na ako nito noon pa man.
Rafael na lang ba talaga ang dapat kong itawag sa kaniya? Wala nang po, opo, at sir? Siguro naman ayos lang pag siya lang ang nakakarinig, pero pag ibang tao na ang nakarinig baka may magtaka o magalit. Kaya siguro pwede ko siyang kausapin ng casual lang, pero pag may tao na magiging pormal na 'ko.
Napabuntong hininga na lamang ako, dahil sa mga bumabagabag sa isipan ko.
Maaga akong nagising para maaga rin akong maka-pasok sa trabaho ko. Ayoko naman na malate ako. Marami-rami pa kasi ang kailangan kong gawin.
Nag-ayos na nga ako, instant noodles naman ang kinain ko sa umagang iyon. Bumili ulit ako kay Tita Fina ng mainit na tubig at kanin para hindi na ako bibili pa sa cafeteria ng kompanya.
Nagpaalam naman ako kay Tita Fina dahil nasa labas ito ng kaniyang apartment at naglilinis. Biyuda na raw kasi siya, ang kaniyang anak naman ay nasa ibang bansa nagtatrabaho. Kaya naman dito rin siya tumutuloy sa kaniyang paupahan. Marami rin ang umuupa dahil maganda ang pasilidad at maayos mamalakad si Tita Fina.
Umalis na nga ako nang bandang 6'oclock ng umaga. Hindi naman ako nahirapan sa sasakyan dahil marami-rami ang dumaraang sasakyan sa harapan ng apartment.
Sinuot ko na ang pinamili kong damit sa ukay-ukay last week. Okay naman ito at maganda. Humiram pa ako kay Tita Fina ng plantsa para naman pag pasok ko ay hindi ito gusot-gusot.
Marami pa talaga akong dapat bilhin sa apartment ko. Mga hanger, electric fan, kumot, unan at gamit sa pagkain, pag kumain ako. Nakakahiya nang humiram kay Tita Fina, parang nang aabuso na yata ako sa kabaitang taglay niya.
Pagkarating ko sa kompanya ay mga si-six thirty na ng umaga.
"Ma'am ang aga niyo po yatang pumasok ngayon, ah?" tanong ng guard sa akin.
Ito rin yung guard na nakausap ko last saturday. Matanda na ito at maputi na rin ang kaniyang mga buhok. Inilahad niya naman sa akin ang log book ng kompanya. Kaya nag signed up naman ako rito habang sinasagot ang kaniyang tanong.
"Marami po kasi akong gagawin ngayon sa office," I answered his question and smiled at him.
Ngumiti at hindi na ito nagsalita pa, kaya dirediretso akong pumasok sa elevator. Pinindot ko na nga kung saang floor ako pupunta. Hindi naman nagtagal ay nakalabas na ako sa elevator at pumunta na sa desk ko.
Tiningnan ko naman ang pintuan ng opisina ni Rafael. Wala pa naman ito dahil umaga pa.
Inayos ko ang mga kalat sa lamesa ko, dahil hindi pa ito naayos talaga. Pagkatapos ko roon ay hindi ko alam na pumapasok na pala ako sa opisina ni Rafael. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, kung bakit dirediretso akong pumapasok sa opsina niya. Dala-dala ko ang dustpan, pamunas at walis tambo.
Mayroon namang naglilinis dito sa floor na 'to at sa kaniyang opisina, pero hindi pa naman ito nalilinisan ngayon.
Pagkapasok ko ay tumambad agad sa akin ang napakalawak niyang opisina. Pagkabungad mo pa lang ay makikita mo na ang kaniyang malaking lamesa, naandoon ang kaniyang computer set, mga documents na hindi pa natatapos. Four set ng couches para yata pag may bisita ay puwede roong umupo. Malaki ang opisina niya, meron pang tatlong pinto, pero hindi ko alam kung ano ang meron doon. Siguro kwarto, comfort room, at safe room siguro ang mga iyon. Habang naglilinis ay may umagaw na naman nang atensyon ko at iyon ay ang litratong nakita ko noon sa kaniyang kwarto.
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...