Chapter 9

378 13 0
                                    

Jealous

Lumapit nga ito sa aming pwesto. Hindi ko naman maalis-alis ang mga mata ko sa kaniyang magandang mukha. She's a  very beautiful lady, she knows how to dress up at ang taas pa ng heels nito, siguro ay nasa 5 inches ito.

Tumayo naman si Rafael at sinalubong ang mestisang babae na lumapit dito sa aming lamesa.

"Rafael, I miss you! Why are you here?" the beautiful lady asked Rafael.

"I miss you too, Ellaina. I don't know, that you are back here in the Philippines. Kailan ka...-"  may gulat sa boses ni Rafael, pero hindi naman siya nito pinatapos sa sasabihin niya.

Dahil nagulat na lang ako ng bigla siyang halikan ng babae sa labi nito, na ikinagulat din naman niya. Titingin pa sana ito sa aking gawi kaya lang ay niyakap na siya ng babae.

Gusto kong umalis na lang sa kinauupuan ko at umuwi na lang sa apartment. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Sabihin na natin na parang ang immature ko naman yata at bakit ang bilis kong masaktan? Ang sakit lang at parang nakakahiya na kasama ko si Rafael sa pagkain tapos may susulpot na babae, tapos hahalikan na lang siya bigla at yayakapin.

Napapatingin din sa gawi namin ang ibang customer sa restaurant na ito. Merong nagbubulungan at parang kilala pa yata nila ang babaeng kayakap ngayon ni Rafael.

Naghiwalay naman sila at nagsalita muli ang babae.

"I come back here, because of you Rafael. Sinabi ko na kayna daddy na handa na akong magpakasal sa 'yo. At kahapon lang ako dumating. I want to surprise you, pero ako yata ang na surprise dahil nakita kita rito,"  Ellaina said, na nakapatong pa rin ang dalawang kamay nito sa balikat ni Rafael, habang kumikinang ang mga mata nito. Puwede na siyang ipaghambing sa mga dyamanteng kumikinang.

Gulat ang naramdaman ko at pagka-dismaya. 

Magpapakasal?

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko, kaya naman napatingin ang dalawa sa akin. At doon lang ako napansin ng babae.

"Who is she Rafael," she asked Rafael, while smiling at me.

Ang ganda niya at sa ngiting iyon ay para bang familiar iyon sa akin. Parang nakita ko na siya dati o may kahawig lang. Pero nagpapaulit-ulit lang yata ngayon sa utak at tenga ko ang sinabi nito kay Rafael.

Matagal na ba silang engaged? Bakit na postpone ang kasal nila? Pinaglalaruan lang ba ako ni Rafael?

Magsasalita na sana si Rafael, kaya lang ay inunahan ko na ito.

Yumuko muna ako bilang pag galang at nagpakilala. "Hi Miss! I'm Isabelle, the secretary of sir Rafael. Nice to meet you po," I introduced.

"Oh. Hi! I'm Maria Ellaina Gutierrez the fiancee of your boss. Nice to meet you too," pakilala nito at lahad ng kamay sa akin.

Nagulat naman ako dahil sa ginawa niya. Ba't ang bait naman nito? Si Rafael naman ay umigting ang panga at hinilot ang sintido na para bang may problema ito.

"You look so young? How old are you Isabelle?" 

"I'm 21 years old, Miss," I answered.

"Oh, mas matanda pala ako sa 'yo ng tatlong taon," ngiti niya.

Tumingin naman siya kay Rafael na may pagtatanong sa kaniyang mga mata.

"And, why are you here with your secretary? May meeting ba kayong idinayo rito?" she asked confusedly.

Hindi naman agad ito nagsalita, kaya ako na ang sumagot sa tanong ni Ms. Ellaina.

"Mayroon po Ms. Ellaina. Natapos na po iyon kanina, kaya kumain na rin po kami ni sir Rafael ng tanghalian," paliwanag na hindi na makatingin ng diretso.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon