Epilogue

428 12 0
                                    

Eternally

"Sir, wala na pong kainan na pang mayaman dito, e. Pero may alam naman po akong, masarap na kainan dito sa bayang ito. Tinatangkilik ng mga taong dumarayo rito."  Kamot nitong sabi sa akin.

Tumango naman ako kay Mang Nonoy. Dahil hindi naman ako mapili sa mga kinakain ko, basta malinis lang ang mga ito.

Naglakad lamang kami sa pagawaan ng mga bakal, hanggang  makarating kami sa sinasabi nitong karinderya.

Malinis nga ito at marami ngayon ang kumakain. Pumasok na nga kami at doon umupo sa nakatutok na electric fan.

"Nako, Sir! Pasensiya na pinagpawisan pa ho, kayo."

"I'm okay, Mang Nonoy!" Sabi ko naman sa kaniya.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa karinderya ito, at malaki naman ang mga ispasyo dahil hindi ito siksikan.

"Linda, pa order nga ng palagi kong inoorder dito." Sigaw naman ni Mang Nonoy sa babae.

Umu'o naman ang babae sa kaniya at hindi naman nagtagal ay dumating na nga ang inorder nito sa aming lamesa.

Napatingin naman ako sa magandang babae na nagseserve ngayon sa mga pagkaing inorder ni Mang Nonoy.

Maganda ito na nagpabighani sa aking puso, pero mas nagulat ako nang makita ko ang kwintas na binigay ko kay Marianne Therese. Tandang-tanda ko pa ito, dahil ako ang humiling sa ina ko na magpagawa nito.

"Oh! Isabelle... Hindi ka ba magpapatuloy sa pag-aaral mo sa kolehiyo?" Mang Nonoy asked the girl in front of us.

Sa paggalaw naman nito ay nakita ko sa likod ng pendant nito ang nakahurmang pangalan ni Therese. Na mas nagpabilis nang pagtibok ng puso ko ngayon.

"Nako, Mang Nonoy. Hindi ko po alam kung mag-aaral pa ako. Hirap din po kasi sa buhay. Alam niyo na..." Sabi nito sa malumanay na boses.

Kahit sa boses pa lang nito ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko na itong yakapin, pero hindi ko magawa. Baka magtaka pa ito sa padalos dalos kong galaw. At gusto ko pang alamin kung sino ba talaga ito.

'Nakuha ba nito ang kwintas ni Therese at bakit nasa kaniya ito? Alam kong matagal ng patay si Therese at saksi ako roon.'

"Oo nga naman." Pagkukumento rin ni Mang Nonoy.

"May kailangan pa ba kayo?" Tanong naman nito, na sinisiguro kung may kailangan pa kami.

'Please look at me.' Sabi naman ng utak ko ngayon.

Umalis na nga ito, pero hindi ko pa rin maalis-alis ang pagtingin ko sa kaniya.

"Sir, kain na po tayo." Pag-aanyaya naman ni Mang Nonoy sa akin.

"Parang ayaw niyo po 'atang alisin mga tingin niyo kay Isabelle, Sir."

Tiningnan ko naman ito at nakakunot na ngayon ang noo ko.

"What's her full name, Manong Nonoy?" Hindi ko mapigilang tanungin ito.

"Si Isabelle po ba, Sir?" Natatawa nitong pagtatanong sa akin, mabuti na lamang hindi malakas ang pagkakasalita nito.

"Yes."

Nakita ko naman itong kumain muna at uminom ng tubig.

"Pagkakaalam ko ay, Therese Isabelle Bitalyes, Sir. Pero ang tawag dito sa kaniya ay Isabelle lang. Pero ulila na rin ho iyon, Sir. Dahil wala na ang Lola Lucresia nito. Bakit niyo po ba naitanong. Nagagandahan kayo sa kaniya ano!" Nakangisi na nitong sabi sa akin at may panloloko sa tono nito.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon