Chapter 32

278 10 0
                                    

Hurry

"What do you think?" he asked joyfully.

"Hmmm... Okay lang sa akin kahit ano, Rafael."

"Okay. I'll call Javier now."

Tumango lang ako sa kaniya, siya naman ay kinuha ang cellphone na nasa coffee table. At hindi naman siya umalis pa sa aking tabi, dahil hawak-hawak pa rin ako nito sa baywang ko. Nasa sala kami ngayon at pinag-uusapan ang magiging kasal namin sa susunod na araw.

Oo, mabilis man pero ang habol namin dito ni Rafael ay hindi siya maikasal kay Ms. Ellaina. Siguro nga, kahit bata pa lang kami ni Rafael, ay gusto na naming mag kasama habang buhay.

Ilang taon lang ba ang agwat naming dalawa ni Rafael? Ako ay twenty two na at siya naman ay mag twe-twenty seven, this october. Isang buwan na lang pala, september na bukas, e. Ano kaya ang magandang i-surpresa kay Rafael? Hanla sa susunod na lang, pagtuunan ko na muna ngayon nang pansin ang magiging kasal namin.

Mga bandang hapon din kami nagising ni Rafael. Naging maayos naman ang pakiramdam ko ngayon, at sinat na lang ang nararamdaman. Magaling yata ang doktor ko ngayon, kaya mabilis akong gumaling.

Si Rafael naman ay nag leave na muna sa kaniyang trababo ng isang buwan. Mabuti na lang, hindi na nagtanong ang kaniyang ama kung bakit. At umu'o na lang ito at siya na raw muna ang bahala. Nakahinga naman nang maluwag doon si Rafael sa sinabi ng kaniyang ama.

Siguro, akala nito gusto lang ni Rafael magpahinga muna at mag-isip-isip. At wala ring pahinga si Rafael ng siya na ang namahala ng kanilang business.

Ang plano namin ni Rafael ay itago na muna sa kanilang lahat, pero ang makaka-alam lang nito ay sina Javier at Angela. Hindi naman puwedeng namin itago ito sa kanila. At sana sumang-ayon ang dalawa sa magiging desisyon namin.

Ako naman ay hindi ko pa matawagan si Angela, dahil busy ito sa kaniyang negosyo, at baka masigawan pa ako nito ng wala sa oras. Kaya si Javier na lang ang kinausap ni Rafael, para pumunta rito mamaya sa penthouse.

"Yes, after your works, and fetch Angela too," he said, then he hang up his phone.

"Anong sabi?" I asked him worriedly.

Kahit ako kay kinakabahan. Hindi ko rin alam kung sang-ayon ba si Javier dito, kapatid niya si Ms. Ellaina at mahihirapan lang itong pumili kung sino ang susuportahan niya.

Kinuha niya muna ang black coffee na nakatungtong sa coffee table at uminom dito. Ibinaba niya naman ito at tiningnan ako.

"I told him, that we want to talk to them, and fetch your best friend, para magkasabay na silang dalawa pag pumunta na rito and he said yes."

Ngumiti naman ako sa kaniya at niyakap siya.

"Kailan kaya sila nagka-kilala?" I asked him curiously.

"Who?"

"Sina Javier and Angela. Sarap nilang tingnan, sana naman 'wag na silang maging aso't pusa. Ang tanda na nila para mag-away."

"I don't know. We just need to respect their privacy. Like us, they never disturb and they showed their supports to us."

"Yes, you're right! Ano pa ba ang gagawin ko?" I asked him.

"You don't need to do something. I handled the preparations already," he said then kissed me on my left cheek.

"Bakit ayaw mo akong tulungan ka? I don't need an elegant wedding, Rafael. Okay na sa akin ang simple lang at makasama ka sa araw na iyon. At tayo-tayo lang din namang apat, kasama ang magpapa-kasal sa atin, kaya no need na sa magarbong paraan, Rafael."

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon