Chapter 2

623 18 9
                                    

Nervous

Pagkapasok ko sa magiging apartment ko, bumungad agad sa akin ang puting pader. May balcony naman doon sa right side, na nagsisilbing bintana ng magiging apartment ko, dahil wala akong makitang bintana. May kama namang pang isahang tao lang ang makakahiga na nasa left side.

Sa gilid naman nito ay mayroon doong aparador na luma. May maliit na lamesa na parang nagsisilbing bedside table. May isang upuan na plastic naman akong nakita. At sa bandang dulo ng silid, ay mayroong isang pintuan, siguro'y iyon ang banyo.

After I finished surveying my whole apartment, I put the luggage and my bags on my bed. But before I started to do my works, may kumatok sa pintuan. Iyon pala ay si Tita Fina na may dalang, dalawang unan at kumot. Ipinahiram niya muna ito sa akin, dahil wala nga naman akong kumot at unan.

"Hindi po ba nakakahiya? Bago pa po 'tong unan at kumot niyo?"

"Nako, ano ka ba. Matagal na 'yan. Hindi lang nagamit."

I just nodded at her. Amoy bago pa kasi ang kumot pati ang unan na may punda na. Baka naman isa na rin ito sa raket ni Tita Fina.

"Babayaran ko na lang po kayo para rito..."

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay pumalakpak na agad ito.

"Ayan ang gusto ko sa 'yo, Ineng. Puwede mo namang hati-hatiin ang bayad para riyan. Hindi naman ako nagmamadali. Isama mo na lang din pag magbabayad ka ng upa," she laughed hard.

Napatawa na lamang ako sa kaniya. Pero sa loob-loob ko, nauto pa yata ako ni Tita Fina. Sinabi na rin nito ang presyo at pag nagka-trabaho ako, kaya ko namang bayaran ang dalawang unan, at isang set na ng punda at kumot.

Umalis na rin ito at doon lang yata ako napabuntong nang sobrang lalim.

Nilabas ko sa luggage ko ang lahat ng mga gamit ko na naroon. Inayos ko ang mga dala kong damit at inilagay sa aparador. Hindi naman marami ang mga damit ko, kaya mabilis lang akong natapos doon. Tapos ang iba ko namang mga gamit, tulad na lang ng mga essentials na bagay ay inayos ko ito at nilagay sa may lamesa. Kakaunti lang naman ang mga dala kong gamit, dahil hindi naman ako materialistic na tao. At wala na sa isip ko ang mga ganoong bagay.

Ang nakatatak na lang sa isipan ko ay kung paano ba ako mabubuhay sa mundong ito. Naglabas din ako ng susuotin ko, para sa pag aaply ko bukas sa Lacson Trading Company. Mabuti na lang may mga handa na akong mga resume para sa pang apply. Kailangan maging handa para hindi masayang ang mga opportunities kung sakaling nasa harapan ko na ang pwedeng pag applayan ng trabaho. Lalo na ngayon at pahirapan ka pang makapasok dahil isang high school graduate lang naman ako. Lahat ng mga importanteng dokumento ay nakalagay na sa isang plastic envelope para hindi na 'ko mahirapan pa para bukas.

Binuksan ko naman ang alkansiya ko, hindi ko alam kung magkano na ba ang lahat ng naipon ko. Hindi ito babaryahin, dahil hindi naman ako nag iipon ng mga barya. Ang laman nito ay mga papel na pera. Na inipon ko pag mayroon akong sobrang pera na hindi nagagastos. Nagsimula na 'kong magbilang at kung tutuusin niyan ay maliit pa rin na pera ang naipon ko.

Tapos tiningnan ko naman ang laman ng wallet ko at mayroon doong dalawang libo na ibinalik ni Aling Maribet sa akin kanina. Mabuti na lang at hindi ko nagastos sa pamasahe ang perang ibinalik ni Aling Maribet sa akin. Dahil may nakalaan naman akong pera sa aking wallet na 500 pesos.

Kung titipirin ko itong pera na inipon ko, magkakasiya pa ito ng dalawang buwan sa akin. Bukas na rin ako mag a-advance payment kay Tita Fina. 2,500 pa naman ang renta kada buwan. Sana naman makahanap na agad ako ng trabaho bukas.

The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon