The Letter
"Nagka-ayos na kaagad kayo ni Rafael, Isabelle?" Angela asked me while she in front of the mirror.
Hindi naman kaagad ako nakasagot sa tanong nito. Nagka-ayos na ba talaga kami ni Rafael? Siguro oo kasi mas lalo lang ako nitong pinapalapit sa sarili niya. Tatlong araw na ang nakaraan nang magkita muli kami ni Rafael. At sa tatlong araw na iyon ay mas naging masaya ang araw ko kapiling silang lahat.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa mga naiisip ko ngayon. Hindi lang ako ang sumaya nang bumalik at magkita muli kami ni Rafael. Kun'di ang anak din namin, hindi na siya nagtanong kung bakit hindi ito nagpakita sa amin ng ilang taon, dahil hindi pa naman talaga mulat ang anak ko sa lahat ng mga bagay. At ang palagi kong sinasabi kay baby Zandrick ko noon pa man ay may trabaho ang kaniyang ama.
Naandoon sila sa sala at naglalaro, ako naman narito pa sa kwarto kasama si Angela. Masarap pala sa pakiramdam na nasabi ko na lahat kay Rafael ang mga problemang dinanas ko noon pa man.
"Ay, aber tumatawa na naman mag-isa. Lumulutang na naman 'yang isipan mo, Isabelle." Sabi naman nito at nakatingin pa rin sa repleksiyon ko sa salamin.
"Huh! Ano oo...?" May pagtatanong ko ring sagot sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nito at pag-ismid sa salamin.
"Sasagot ka na nga lang patanong na oo pa. I can see on my two eyes, mas naging clingy 'yang si Rafael sa 'yo. Tingnan mo sa sala 'yang mag ama mo ngayon, sobrang saya ng anak mo, Isabelle. And did you make your decision now? We'll come back to Manila tommorow." Ngayon ay naka-harap na ito sa akin at tinabihan ako nito sa kama.
Napa-buntong hininga naman ako at tumango sa kaniya.
"Kaya mo na ba?" She asked me in a serious tone.
"Siguro, kakayanin ko, Ange. Pero may puwang pa rin sa puso ko rito na natatakot at kinakabahan, dahil makakaharap ko na ang totoo kong pamilya. Lampas labing dalawang taon akong nag hintay at nagtatanong kung bakit hindi nila ako nahanap. Kung may mga pamilya pa ba ako? At kung bakit ako kinidnap ng Veironica'ng iyon...-" I said in a trembling voice.
Pero mas tinatagan ko ang boses ko at umayos nang upo.
"At siguro ito na ang panahon para malaman ko lahat nang katotohanan kung bakit nangyari iyon sa akin. I need to be brave to face this problems, Ange. Ayoko nang maging mahina, sawang-sawa na ako." I added bravely.
Napangiti naman ito sa mga sinabi ko at yinakap ako nito nang sobrang higpit.
"I'm so proud of you my lovely Isabelle. Nakayanan mo lahat ng mga pagsubok na dumating sa iyo kahit na mahirap. Kahit na mahirap hindi ka sumuko at nagdalawang-isip na panghinaan nang loob." She said while brushing my hair.
"Thank you, Ange. Kung may mas higit pa sa salitang thank you, sana iyon na ang nasabi ko sa 'yo ngayon. Dahil hindi sapat iyon, sa lahat ba naman nang naitulong mo at sinakripisyo mo sa akin. Kayo ng mga doktor, sina Kuya Javier at Eros."
Kumalas naman siya sa yakapan naming dalawa. At nginitian ako nito nang sobrang ganda.
"You don't need to thanks us, Isabelle. Kami ang nagpapasalamat dahil nalampasan mo lahat ng ito. At alam kung masayang-masaya na sa heaven si baby Aryana, at kasama na no'n si Lola Lucresia."
BINABASA MO ANG
The Painful Love Of Therese (GSS #1 COMPLETED)
Romance❤️COMPLETED❤️ [Under Editing] Gutierrez Siblings Series #1 Therese Isabelle Bitalyes. Walang pamilya ulila na lamang ito. At walang katuwang sa buhay. Hangad niya lang naman ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Magkaroon ng sariling bahay. Pera para sa...